Kabanata 5
"Ang corny."
Iritado ang pagkakasabi niya noon, pero mas nakakairita ang boses niya.
Hays! May isang manok na naman na nag-comment. Akala ba niya, importante ang opinyon niya?
Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako para kunin ang gamit ko. Pinaghintay ko na sa baba si Nurse Wyatt. Ayaw ko siya rito. Baka kasi malingat lang ako, may manok ng tutuklaw. Ako lang dapat.
Joke lang!
"Famous, girl. Hindi naman maganda!" Inartehan pa talaga niya ang pagkakasabi.
Ano bang pinaglalaban ng babae na 'to?
Hindi na ako nakapagpigil, ang dami siyang say eh! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Pag inggit, pikit!" Pagpaparinig ko.
Kung gawin ko kaya siyang sahog sa pancit, sa tingin ba niya nakakapagsalita pa siya?
"Aba't!" Kahit hindi ko siya kita, ramdam ko ang galit sa boses niya.
Hindi ko kasalanan na natamaan siya, hindi ko na nga pinansin. Tapos kapag napansin naman, mag-iinit.
Magaling na nilalang!
"Don't you dare!" May awtoridad na boses sa likod niya ang may sabi no'n. Hindi ko maiwasang mapalunok. Paano kung isumbong niya kami kay boss?
Akma niya kasi akong susugurin bago kami maabutang dalawa. Mabuti na lang dumating si Miss Manager.
"M-Magpapaliwanag po ako," kabadong sabi ko.
"Siya ang nauna, ma'am." Leche 'tong manok na 'to. Naging maamo, nang dumating lang si manager. Pero kanina, akala mo kung sinong demonyo habang kaharap ako.
"That's not what I saw!" Tugon ni Miss Manager. Lihim akong napangisi, pakiramdam ko paborito rin ako ni Miss Manager eh! Baka nawawala kong kapatid 'to.
O baka naman naipalit kay Ate Kela. Sana naipalit na lang.
Joke!
"Repeat it again, and you'll face the consequences of your actions!" Puno iyon ng pagbabanta.
"Sorry, ma'am," paghingi ng tawad ng isang manok. Mabuti nga sa kaniya. Plastikada kasi!
"You can leave now!" Utos ni Miss Manager. Inirapan pa niya ako, bago siya tuluyan na umalis. Sana hindi na bumalik ang mata niya. Leche siya! Wala naman akong ginagawa sa kaniya eh!
"Are you okay?" Pinasadahan ako ng tingin ni Miss Manager mula ulo hanggang paa. Parang sinisigurado niya kung may galos ba ako o wala. "Anong ginawa niya sa iyo?" Pagdalo sa akin ni Miss Manager. Hindi ko talaga maiwasang magtaka kung bakit mabait siya sa akin.
"Ayos lang po ako," maagap kong sagot. Ayaw kong mag-alala pa siya. "Thank you, ma'am," tugon ko pa sa kaniya. "Alis na po ako, naghihintay po kasi 'yong kasama ko sa baba."
Baka kasi naiinip na iyon. Ang pinaalam ko lang naman ay ang kunin ang gamit ko.
Hindi ko naman kasi inaasahan na may nag-aabang sa akin sa loob. Kaya imbes na nakuha ko kaagad ang gamit ko, natagalan pa tuloy.
"Take care..." Ngumiti lang ako kay Miss Manager, at sinabi ko ring mag-iingat siya.
Nang makababa ako, kita ko ang iritasyon sa mukha ni Nurse Wyatt. "What took you so long?" Tila inip na inip niyang tanong sa akin. "Something happen?"
Napaiwas naman ako ng tingin. Guilty ako, pero ayaw kong mag-alala siya sa akin. Normal naman ang ganoong sitwasyon. Hindi na dapat pa pinagtutuunan ng pansin. "W-Wala... Tara na."
![](https://img.wattpad.com/cover/296791031-288-k312103.jpg)
BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
General FictionLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...