KABANATA 33

1.5K 23 0
                                    

Kabanata 33

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang ending lang din ng plano na gusto kong mangyari ay sa restaurant gaganapin ang kaarawan ng mga anak ko.

Kasalukuyan kong kasama ang dalawang anak ko, nakaupo sila sa likod. Habang ako ang nagda-drive. Minsan ko sila na sinusulyapan, at talagang tahimik lang silang nakaupo. Tinatanaw ang paligid. Kailangan ko muna silang i-gala, para hindi sila makahalata.

Hindi naman na sila bago roon. Noong nasa US kasi kami kung hindi ko man maharap na ipagluto sila tulad ng lagi nilang request, lumalabas na lang kami. Ang kaibahan lang ngayon, hindi namin kasama si Manang Cecil dahil siya rin ay tumutulong sa ginagawang set up sa restaurant.

Nang makapagdecide ako kung ano ang gagawin, nagpadala ako ng mensahe kay Alaina at Elian. Sila ang alam kong makakatulong para maisagawa iyon.

To: Alaina, Eli

If you two aren't busy. Can we meet after work?

Segundo lang ang hinintay ko nang may natanggap na akong mensahe mula kay Alaina.

Napaghahalataan na walang ginagawa. O timing lang na hawak niya ang kaniyang cellphone kahit na nasa trabaho siya.

Hindi ko naman siya masisisi, Manager pa rin naman siya.

From: Alaina

I'm free after work. Send me the address where we are going to meet up.

Pagkareply ko kay Alaina, sumunod naman ang mensahe ni Elian.

From: Eli

I'm always free for you, love.

Napailing na lang ako. Siraulo talaga, trip na naman ako.

From: Eli

You want it now? I can go there right now. Just say it.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya.

To: Eli

Sapak gusto mo? Kung ano-ano na naman sinasabi mo!

Kinahapunan, tulad nang usapan namin na pagkatapos ng trabaho. Paglabas ko, dumiretso na kaagad ako sa lugar na pinag-usapan namin. Iyon ang mahirap kapag talagang ikaw ang nangangailangan, laging una sa meet up place.

Nakadalawang beses na ng balik ang waiter, tinatanong kung anong order ko. Pero wala pa rin ang dalawa.

Nagtipa ako ng mensahe sa kanilang dalawa, ngunit bago ko pa mapindot ang send button.

"We're here!" masiglang sabi ni Alaina.

Masamang tingin ang binigay ko sa kanila, na parang hindi man lang sila natinag. Pagkatapos nila akong paghintayin ng ilang minuto.

Iyong pakiramdam na mukhang hindi ako mago-order, at tambay lang sa restaurant kakahintay sa kanila! Isang malaking kahihiyan iyon.

"Don't look at us like that, Lei!" banta ni Alaina. Umarko ang kilay ko, siya pa ang may karapatan na magbanta, ha. Si Eli naman tahimik lang na umupo sa tabi niya. Wow, ha? Bago yata iyon. "Remember, you're the one who requires our assistance." Nang blackmail pa ang babae na 'to.

"Fine!" Pagsuko ko. Kung hindi lang talaga para sa mga anak ko. Hindi ko naman tatawagan ang dalawang 'to.

Sinenyasan ko iyong waiter na kanina pa bumabalik sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, at nakita ko kung paano siya napalunok. "You can now ask for their orders."

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon