KABANATA 24

1.6K 29 1
                                    

Kabanata 24

"Spike, Zevria..." Marahan kong tapik sa pisngi ng kambal ko. Nakarating na kasi kami sa bahay ni Elian.

"Hmm..." Ungot ni Zevria, nasa session na naman kami ng pahirapan manggising ng batang babae. Hindi na bago sa kaniya na bumaling sa kabila tuwing ginigising siya at ayaw niyang magpagising.

"Mommy, where are we po?" Mapungay ang mata ni Spike, kinukusot-kusot pa niya iyon.

"We were in my place, young man." si Eli na ang sumagot.

Kumunot naman ang noo ng anak ko.

"Why are we here, po? Mommy, I thought we'd go to Ninang Manager po?" Baling niya sa akin, halata kong iwas na iwas siya kay Elian. Hindi niya man lang binalingan ng tingin, eh.

Siraulo kasi si Elian.

"Uhm, she just messaged me that she's not at home because she's busy, anak," sagot ko. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila, iyon nga lang nagkaproblema dahil napaka-wrong timing nang pagpunta ni Kuya Lucas sa bahay ni Miss Manager.

Napangisi ako. Mukhang may namamagitan na talaga sa kanila.

Nakita kong tumango naman si Spike sa akin bilang pagsang-ayon.

"Let's go inside," aya ni Eli.

Ngumiti at tumango ako sa kaniya. "Sure!"

Tinulungan na ni Eli si Manang Cecil sa pagpasok ng mga dala naming gamit, habang ako binuhat ko ang prinsesa ko. Kulang na kulang pa ang tulog, akala mo lang talaga marami siyang pinagkakaabalahan para makulangan siya ng tulog, eh.

"Thanks, Eli. Kahit diyan na lang 'yan." turo ko sa gilid. "We won't stay here for long. Alis din kami kaagad kapag tumawag na si Alaina." pagtukoy ko kay Miss Manager.

Nakanguso siyang humarap sa akin. "I am not commanding you to leave, ikaw iyong atat na atat umalis. I don't even mind if you stay here... for long. That would be better." Parang hindi big deal sa kaniya ang bagay na iyon. Malay ko ba! Baka mamaya kapag nag-stay kami rito, bigla na lang may dumating or sumugod na babae niya.

Mapagkamalan pa akong kabit. No way! Huwag na ulit, tama na ang isang beses. Hindi ko na deserve pang umulit. Maging pangalawa nga never kong naging deserve, eh.

Pang original lang ang title na bagay sa akin.

"I don't have any women!" Tila nabasa niya ang nasa isip ko. Hindi na rin ako magugulat dahil ilang taon na rin kaming magkasama sa US.

Doon ko siya nakilala, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para ipakilala ang mga anak ko. Never ko kasi siyang naimbitahan doon sa tinirahan namin, hindi rin kasi siya nagtatagal doon. Panay ang lipat niya ng bansa, marami siyang inaasikaso.

Nakangiwi ko siyang tiningnan. Duda ako. Malaki talaga ang duda ko. "I stopped it the moment I met you, Kali." Wala pa nga akong sinasabi, todo depensa na siya sa sarili.

Bigla na lang sumeryoso ang kaniyang tingin, pinaparating na sincere siya sa kaniyang sinabi. Well, nararamdaman ko naman iyon. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung handa na ba ako ulit sa bagay na 'yan.

Lagi niyang sinasabi ang katagang iyon. Pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin, kung kailangan ba o hindi.

"Wala kang kasama rito?" pag-iiba ko ng usapan, na tingin ko ikinadismaya niya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "I am not forcing you to believe me, but I hope you can feel that I mean it all. I am willing to wait. No pressure, love." Lumapit siya dahilan para lumiit ang distansya namin sa isa't isa. "Whenever you're ready." Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa ginawa niya, ibulong ba naman niya iyon sa tainga ko.

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon