Kabanata 35
"Did you regret that you said yes to me?"
Napatingin ako kay Wyatt, may bahid ng pag-aalangan sa kaniya. Para bang ilang beses niyang pinag-isipan kung tama bang itanong niya iyon sa akin.
Binaling kong muli ang tingin sa dagat, napaisip ako sa tanong niya. Noong una talaga ang nasa isip ko. Iyong mga anak ko, handa akong gawin makita ko lamang ang ngiti sa kanilang mga labi. Hindi ko kayang ipagkait sa mga anak ko ang kasiyahan na ilang taon ko ng ipinagkait sa kanila. Kapag ganoon muli ang gagawin ko, panigurado na dudurugin ko sila. Pero aaminin kong dahil sa sinabi ni Elian. Parang mas naging litaw iyong sarili kong dahilan.
Iyong pansarili kong dahilan.
"Lei, marry me... I want to prove to you that all your accusations against me were wrong and give me the chance to give our kids the family they both deserve."
Doon niya nakuhang muli ang atensyon ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibigkas niya, para bang isang bala na masasabi kong iyon na ang huling taya niya. Iyon na ang huling panlaban niya, binuhos na niya lahat.
Napatingin akong muli sa mga anak ko, at panay ang tango nila sa akin. Magkalapat pa ang kanilang dalawang palad, animo'y nagdadasal. Sa nakita kong iyon, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Gagawin ko ang pakiramdam kong tamang gawin, kahit hindi na para sa akin. Para na sa dalawang anak ko.
Nang dumating sila sa buhay ko, sila ang bumuo sa akin at hindi ko ipagkakait na mabuo rin sila sa gagawin kong desisyon.
Marahan akong tumango. "Y-Yes, I'll marry you."
Napaawang pa ang labi niya, halatang hindi siya makapaniwala. Para bang hindi niya inaasahan iyon na marinig mula sa akin. Sadyang sinubukan lang niya kung papalarin. Agad din naman siyang nagbawi. Nanginginig pa ang kaniyang kamay na naglagay ng singsing. Nang mag-angat siya ng tingin at magtama ang mata namin na dalawa, malinaw sa akin ang pagpatak ng kaniyang luha.
"Bakit ka naman umiiyak, babawiin mo na ba?" mahina kong tugon, hindi ko maitago ang pagkapait ng pagkakasabi ko.
Natatawa naman siyang umiling sa akin, pinahid ko ang kaniyang luha. "You have no idea how happy I am." Litaw ang sinseridad ng kaniyang mata. "Whatever your reasons are, I don't care anymore. Giving me another chance is so much to ask from you, but you did it. Thank you so much. I won't make a promise, but I'll let my actions do it," madamdamin niyang dagdag.
"D-Daddy..."
Nabaling naman ang tingin namin sa dalawang batang umiiyak na rin.
"D-Daddy ko!"
Nilapitan kaagad namin silang dalawa. Yumakap silang dalawa sa amin. "Happy family po. Group hug. Yehey!" Tili ni Zevria.
Napangiti na lang ako at hindi ko maiwasan na mangilid ang luha ko. Naramdaman ko ang marahan na pagdampi ng labi ni Wyatt sa gilid ng ulo ko. Ito iyong masasabi kong tama ang ginawa kong desisyon.
Umiling ako sa kaniya. "No, I didn't regret it. I think I just made the best decision of my life."
Napapikit ako nang hinagkan niya ako sa noo. Hindi ko pa man napapakinggan ang paliwanag niya, pero handa na akong pakinggan iyon. Walang pagdadalawang-isip sa puso ko, buong buo na handang makinig sa kainya.
Napatingin kaming dalawa sa tumikhim. Walang iba kung hindi si Elian.
Napakagaling magpanggap!
"What?" Iritado ang boses ni Wyatt.
Ang bilis magbago ng mood, ha?
"Remember, kuya... I was the one—"
BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Fiksi UmumLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...