Simula
"H-Hello," antok kong sabi. Sino ba naman kasing may kapal ng mukha na tatawag sa akin nang sobrang aga! Alam ba niyang kakatulog ko lang?
Ugh! Kainis!
Minsan na nga lang ako makapagpuyat, at magising sa oras na gustong-gusto ko. May nang istorbo pa! Buhay nga naman, oh! Laging unfair.
"Ang aga pa! Istorbo ka kung sino ka man!" inis kong dagdag.
Wala pa rin akong naririnig mula sa kabilang linya kaya naman inis kong tiningnan ang cellphone ko, pipikit-pikit pa talaga ang mata ko kasi inaantok pa ako. Pero halos manlaki ang mata ko nang mabasa ko kung sino ang tumatawag.
Gusto kung murahin ng ilang beses ang sarili ko!
Bakit naman kasi hindi mo muna binabasa, Kali? Kung minamalas nga naman!
Napabalikwas pa ako, muntik ko pang ika-hulog iyon sa kama. Nakailang beses pa akong lunok bago ako nagsalita muli. Parang nawalan ako ng boses. "M-Miss Manager... kayo po pala 'yan," natatawa na wika ko na ikinangiwi ko lang. "Pasensya na ma'am. Alam ninyo naman kapag walang shift, napapasarap ang tulog," pag kuwento ko pa, malay ko ba kung madala siya roon. Edi nakalusot ako. "Ano po ba 'yon?"
Mas nakaramdam lang ako ng kaba dahil wala pa akong naririnig sa kabilang linya.
Hanggang sa marinig kong may tumikhim. "I understand. It's okay. But I need you here in 20 minutes. The boss called for a meeting." Sobrang hinhin ng boses, halatang mabait naman.
Puwede niyang palampasin ang nangyari. Hehe! Sana lang talaga...
"Sure po, Miss Manager. Pasensya na po ulit," paghingi ko ng paumanhin. Mariin akong napapikit. Naiinis pa rin ako sa sarili ko.
Gaga talaga Kali!
Hindi ako makapaniwala na nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa kabilang linya. "Kali, relax... Like I said, I understand. It's a normal reaction anyway. Even if I were in your position, I may react the same way or even worse."
Kunwari akong natawa. Hindi ko naman ineexpect na ganoon, first time ko lang kasing nakakuha ng tawag mula sa kaniya. "Thank you, miss. Maghanda na po ako. Bye."
Gustuhin ko man na pahabain pa ang pag-uusap namin dahil mukha namang mabait siya, ang kaso umaandar ang oras at baka ika-late ko pa iyon.
Mabilis ang naging kilos ko pagkababa ni Miss Manager ng tawag, halos ilang minuto lang ako naligo at nag-ayos ng sarili.
Pagkababa ko nagpaalam lang ako kay mama, nagtataka pa nga siya kung bakit ako nakabihis at kung saan ang lakad ko. Sinagot ko lang siyang pinapatawag kami ng boss namin at biglaan. Noong una pa nga ayaw niya akong paalisin dahil hindi pa ako nag-agahan. Pinayagan lang niya ako nang sinigurado ko sa kaniya na kakain na lang ako sa labas.
Nang makababa ako ng tricycle, narinig ko na kaagad ang boses ng ibang katrabaho ko.
"Bakit kaya tayo pinatawag si boss?" Wika ng isang katrabaho ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.
Iyon din ang aking katanungan kung bakit nga ba kami pinatawag ni boss. Wala akong shift ngayong araw panigurado na sila rin. Hindi naman sila magre-react ng ganyan kung may shift sila. Kung alam lang din nila ang pinagdaanan ko kanina nang tawagan ako.
Hays! Naalala ko na naman.
Kung magpa-meeting man si boss, hindi naman ganitong biglaan. Kahit pa noong hindi pa ako nakakabalik sa trabaho, sa kadahilanan ngang nagbawas ng staffs. Ngayon lang talaga iyong biglaan. Hindi ko rin maiwasang magtaka, kung anong mayroon.
BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Fiction généraleLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...