Kabanata 29
Hindi ko maiwasan na kabahan. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Bakit kailangan ng ganoon!
"H-Huh? Re-Recap? Ba-Bakit?"
Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nauutal. Hindi naman ako ganoon, pero ngayon na kaharap ko siya ulit. Parang nawawalan ako ng tapang sa katawan. Nakakapanghina ang kaniyang presensya. Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Bakit kailangan kong maramdaman 'to? Nanatili lamang ang tingin ko sa kaniya. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin, pero nakausli pa ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
"Relax girlfriend," nakangising aniya.
Relax? Ang kapal talaga ng mukha niya! Kung palit kaya kami, siya ang maging ako. Para maramdaman niya ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.
Wala sa mga gusto kong mangyari ang bagay na 'to. Hindi ko man lang ito naisip na posibleng mangyari. Ang nais ko lang naman ay tahimik na buhay kasama ang mga anak ko, at iyong tuparin pa ang ibang mga plano ko.
Ang makita siyang muli? Well, hindi naman maiiwasan iyon. Pero ang makasama ko siya, nasa iisang kuwarto kami. Walang hiya! Hindi ko naisip iyon. Hindi ko inihanda ang sarili ko sa ganitong pangyayari.
At talagang may lakas pa siya ng loob na tawagin akong girlfriend. Pagkatapos ng mga ginawa niya. Wow. Just wow!
"Stop calling me that endearment," suway ko. "I am not your girlfriend!" mataray kong dagdag. Saan ba niya napulot iyon? Nabagok ba siya? Natulog ba siya ng anim na taon para hindi malaman na naghiwalay na kami. Matagal ng tapos ang relasyon namin!
Tumango siya. "You're right!" Marunong pala siyang sumang-ayon, eh. Akala ko ipipilit pa niya ang kaniyang gusto. "Perhaps you no longer want to be called girlfriend. What about love?" Nakahawak pa siya sa kaniyang baba, animo'y seryosong nag-iisip. "Babe? Baby, hmm... or maybe you have suggestions. We can consider it, as long as it is from you." Naglalambing ang kaniyang tinig.
Ano raw? Callsign? Ginagago ba niya ako? At ano ang tingin niya sa akin, marupok? Para pumalag kaagad sa sinasabi niya.
Umasa siya hanggang kailan niya gusto! Pero sobrang labo na mangyari iyon, kahit bumaliktad pa ang mundo.
"Are you kidding me?" sarkastiko kong sabi. Kung iyon ang dahilan niya kung bakit niya ako dinala rito. Wala akong oras!
"Do I look like I am kidding you, Kali?" Balik niya sa akin. Napalunok ako nang makita siyang seryoso ulit na nakatingin sa akin.
"Ano bang trip mo sa buhay?" natatawa kong tugon. Binalewala ko iyong kakaiba niyang tingin sa akin. "Kung ano man iyan, please lang. Huwag mo na akong idamay pa. Mas marami pa akong bagay na puwedeng gawin, mas importante pa rito," mariin kong sabi.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo siya. Iyon lang pala ang paraan para mapaalis ko na siya. Huminga ako ng malalim, bago umayos ng upo. Napansin kong umiwas siya ng tingin, at hindi nakaiwas sa akin ang sakit na dumaan sa kaniyang mata.
"Aalis na ako!" Anusyo ko nang wala akong marinig pa mula sa kaniya.
Hindi ang intensyon niya ang dapat kung pagtuunan ng pansin. Hindi na puwede. Nakakatakot na lumubog lalo na't alam kong walang tutulong. Alam kong posibleng mahirapan akong umahon muli, kung hahayaan ko siya.
Nakatalikod siya sa gawi ko. Kaya doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo. "Go leave! You're good at doing it. You leave without giving me a chance to explain myself."
Napatigil ako nang marinig ko ang katagang iyon kay Wyatt. Halos hindi ko mapihit ang hamba ng pinto. Pero, pinili ko pa rin na umalis. Wala akong narinig pa sa kaniya na pagtutol, hinayaan niya ako.
BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Ficción GeneralLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...