Kabanata 23
"What are you doing here?"
Nanatiling nakataas ang kilay ko sa kaniya. Paanong napunta siya rito? Sa pagkakaalam ko kasi busy siya kakalibot sa iba't ibang bansa dahil sinusulit daw niya ang pagiging binata niya. Base iyon sa huli naming pag-uusap.
Ngumuso naman si Eli. "Love, you're so mean to me!" Bakas ang pagtatampo sa boses niya.
Napairap na lang ako. Nagpapaawa na naman ang lalaking 'to. Sa tingin ba niya aandar sa akin iyon? Asa siya! Kung sipain ko kaya siya pabalik kung saan siya nanggaling. May pa-love love pa siyang nalalaman, eh? Marami naman siyang babae!
"Tigilan mo ako!" sita ko. Alam naman niyang naririnig kami ng kambal ko, mabuti sana kung hindi nila maintindihan. Eh, mukhang mas matalino pa sa akin ang dalawang 'to.
Binalingan ko na sila Manang Cecil at ang mga kambal. "Let's go!"
Si Miss Manager ang magsusundo sa amin, iyon ang usapan naming dalawa. Maghihintay na lang muna kami ng kaunti, baka may ginagawa pa kasi siya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakarating.
Akmang hahakbang na sana ako kaso natigilan ako. Magkasalubong ang kilay kong tumingin sa kamay na humawak sa braso ko. Talaga bang hindi niya ako titigilan? "What do you want? Except for the fact that you want me?"
Nakita kong napaawang ang bibig niya, ngunit hindi niya natuloy dahil sa nagsalita sa gilid ko.
"Mommy, is he our daddy po?"
Ang init naman ng panahon. Ramdam kong nasa Pilipinas na ako, pero halos manlamig ang buong katawan ko nang marinig ko iyon mula sa baby boy ko.
Ito ang unang beses na nagtanong siya sa akin, at si Spike pa talaga. Napakahirap pa naman mag-dahilan sa kaniya. Masyado siyang matalino para maisahan ko lalo na sa ganitong usapan. Mabusisi siya masyado, gusto na detalyado lahat ng isasagot sa kaniya.
"I'm not your dad," si Eli na ang sumagot, kaya naman nabaling ang tingin ni Spike sa kaniya. "But I can be..." Sobrang lawak pa ng ngiti niya, nananadya yata 'tong isang 'to, eh! Sa tingin ba niya maganda ang kaniyang suggestion? Ipapahamak lang niya ako, eh!
"Dada!" Tili naman ni Zevria. Nasapo ko na lang ang noo ko. Anong kalokohan na naman 'to? Bumitaw pa sa pagkakahawak ko ang anak ko. Mabilis na lumapit kay Eli at nagpabuhat pa.
Ang bilis talaga na makuha ang loob ng batang 'to! Mana sa pinagmanahan, eh!
"Eli!" suway ko, pinaningkitan ko na siya ng mata. Sana naman makuha siya sa tingin. Kaso ang loko parang walang narinig! Busy na sa pakikipagkulitan sa anak ko.
"Eli!" muli kong tawag. Wala na akong pakialam kung marinig na ako ng ibang tao. Baka kapag hindi pa niya ako pinansin makasapak na ako.
Talagang sinakto pa niya sa pag-uwi namin. Hindi man lang siya naghanap ng ibang oras o araw. Nagpaliban man lang sana siya, 'di ba?
"Yes, love?" Ayan na naman siya sa kaka-love niya! Hanggang dito ba naman lalandiin niya ako? Gusto ba niya akong isama sa collections niya ng mga babae niya? Wala akong balak dumagdag pa!
"Isa pa talaga, Eli. Ewan ko na lang!" sigaw ko. Nakakainis na siya! Nagawa lang niya akong tawanan. Walang hiya talaga 'to!
"Love..." Parang aso siyang nakangiti, sarap suntukin ang labi niya, eh! Ewan ko na lang kung hindi maging kamatis, kapag lumapat ang kamao ko sa labi niya.
Kung ano-anong sinasabi niyang hindi makabuluhan. Akala ba niya natutuwa ako? Nakakairita kaya siya!
"If he's not our dad, who is he? And why is he calling you love po, mommy?" Sumunod na tanong pa ni Spike. Yumuko ako, at tinapatan ang tingin niya. Masyado pa siyang inosente sa ganitong usapan. Pero, sa dating niya parang isang matanda na kung magtanong at kung paano siya magkaroon ng interest sa ganitong usapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/296791031-288-k312103.jpg)
BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
General FictionLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...