KABANATA 27

1.5K 35 1
                                    

Kabanata 27

Iyong ideya na gusto kong tanungin pa ang mga magulang ko, kung para saan ang mga iyon. Kung bakit may kampihan na nagaganap? Kaso hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na gawin iyon dahil kailangan daw nilang umalis at babalikan na lang nila ako mamayang gabi, para raw sa dinner namin.

Gustuhin ko man sabihin na hindi ako puwede, dahil kailangan kong bumalik sa bahay ni Elian dahil sa mga anak ko. Kaso ayaw ko namang tanggihan ang mga magulang ko, dahil ngayon lang kami nagkausap muli matapos ko silang taguan ng ilang taon. Baka iba pa ang maging pagkakaintindi nila kapag iyon ang sasabihin ko.

"Mamaya na lang anak, ha. May kailangan lang kaming asikasuhin ng papa mo."

Tumango ako, at ngumiti kay mama. Pinilit kong hindi ipahalata sa kaniya, na may porsyento sa akin na hindi ako sang-ayon sa gusto nilang dinner mamayang gabi.

May nararamdaman akong kakaiba!

"Sige po. Ingat kayo," tugon ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinagkan sila pareho sa pisngi.

Saglit nilang binalingan si Alaina, at tinanguan. Kahit din ang lalaking nasa kanan ko. Nakipagkamay pa si papa, kahit hindi ko binalingan si Elian alam kong sobrang lawak ng kaniyang ngiti.

Nabalingan ko lang siya ng tingin nang makita kong tumalikod na si mama, at hindi man lang nagpaalam kay Elian. Napawi ang kaniyang ngiti, pero kaagad din naman niya iyon binawi nang makita niya akong nakatingin sa kaniya.

Ang attitude ni mama! Pinapanindigan niya ang kaniyang kinakampihan, ha? Masyado naman siyang loyal!

"Mama, anong oras po?" muli kong tawag. Hindi pa naman sila tuluyan na nakalabas, akmang hahawakan pa lang ni papa ang hamba ng pintuan. Baka kasi puwede akong sumaglit sa bahay ni Elian para makita ko ang mga anak ko.

Marunong naman silang gumamit ng cellphone. Dahil tuwing wala ako o kung may emergency man, tatawagan nila ako. Iyon ang pinakamabilis na komunikasyon namin kung sakali na may mangyari. Pero sa puntong ito, hindi ko sila puwedeng tawagan. Hangga't maaari, kapag kasama ko ang ibang tao. Iniiwasan ko ang ganoong pangyayari. Mahirap na kasi, eh.

Lalo na sa mga magulang ko, hindi pa ako handa na sabihin ang bagay na iyon sa kanila. Ang kasama at makausap sila, puwede. Pero ang malaman nilang may anak ako, hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanila.

Ayaw ko naman na mabigla sila, o baka hindi nila kayanin ang balita na dinala ko sa loob ng anim na taon.

Nahinto si mama at papa. Nangunot pa ang noo ni mama. "Bakit, aalis ka ba? 'Di ba, gabi pa naman ang closing ninyo?"

"Uhm... hindi naman po, gusto ko lang malaman para makapaghanda ako." pag dahilan ko, iyon ang alam kong pinaka-safe na tugon sa tanong niya. Hindi kailanman pa ako nakapagsinungaling kay mama, dahil lagi niya akong nahuhuli.

Inusisa pa niya ako kung talagang nagsasabi ako ng totoo. Hindi naman na bago iyon sa akin, paladuda talaga si mama noon pa man.

Mukhang hindi pa siya sigurado sa isasagot sa akin, kaya naman bumaling pa siya kay papa, nanghihingi ng opinyon nito kung anong oras nga ba.

"7 p.m. will do, anak," si papa na ang sumagot.

Tumango naman ako sa kanila bilang pagsang-ayon. Medyo malayo pa naman ang oras kaya siguro puwede pa, bibilisan ko na lang. Saglit lang naman ako dahil gusto ko lang silang i-check, hindi ako kuntento na sa tawag ko lang sila makakausap.

"Alis na kami." Huling sambit nila mama at papa, tsaka kami tinalikuran na tatlo.

Abot langit ang ngiti ko dahil puwede pa akong umalis. Handa na akong magpaalam sa dalawa kong kasama, kaso napawi ang ngiti ko nang umiling sila pareho.

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon