KABANATA 20

1.9K 30 1
                                    

Kabanata 20

"Anong niluluto mo, friendship?"

Hindi ko na nilingon pa kung sinong nagtanong noon, isa lang naman ang nagpauso niyang friendship na tawagan dito. Halos lahat naman ng katrabaho namin iyon din pala ang tinatawag niya.

Medyo umasa ako sa part na ako lang ang friendship niya. Iyon pala marami kami. Baka ganoon talaga ang nature niya, palakaibigan. Siya rin kasi ang daldal nang daldal, eh. Iyon bang laging nagsisimula ng topic.

"Jadey, ihaw to!" pagtama ko. Inihaw ko muna kasi 'yong laman ng baboy, iyon kasi ang sabi nitong si Jadey. Magaling din kasi siyang magluto, siya nga ang taga-luto rito, eh.

"Friendship, luto rin naman iyon." Pinagpilitan pa talaga niya.

"Samahan mo na nga lang ako rito," utos ko, kaysa magtalo pa kaming dalawa. Kanina pa kasi masakit ang kamay ko. Medyo marami pa akong iniihaw, nag-request din kasi si Miss Manager na gusto niya. Kaya dinagdagan ko na.

Inaabot ko sa kaniya ang pamaypay, pero kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mata ni Jadey. "Sige, hindi ka makakatikim niyan!" pananakot ko sa kaniya.

Mabilis naman niyang kinuha ang pamaypay. Akala ko makikipagsubukan pa siya sa akin. Naupo muna ako sa gilid, napagod din akong nakatayo. Wala naman na kasi akong gagawin na iba, naayos ko na lahat ng kailangan na ingredients. Itong inihaw lang talaga, sobrang nagpapatagal. Sobrang matrabaho ang pagluluto ng sisig, pero iyon kasi ang masarap.

Wala kasi akong shift ngayong araw, pero ayaw kong manatili sa mansyon. Dahil medyo hindi pa rin ako maayos sa pamilya ko, parang may harang pa rin. Hanggang ngayon kasi, ayon si Ate Kela nagmamatigas pa rin.

Minsan pa nga raw pumunta siya rito, iyon nga lang wrong timing siya lagi. Kung pupunta man siya laging wala ako. Or kung minsan, may inutos sa akin sa labas kaya hindi kami nagtatagpo.

Siguro, hindi pa talaga oras. Tsaka hindi naman dapat kasi sa akin siya lumapit, kay papa at mama. Nilabas ko lang naman ang saloobin ko, dahil hindi ko talaga kinaya ang ugali niya ng araw na iyon.

"Friendship?!"

Bakit parang biglang lumamig sa puwesto ko? Wala namang hangin, ang init nga ng panahon, eh.

"Friendship!"

Nabalik naman ako sa reyalidad dahil sa tumawag sa akin. Naputol tuloy iyong iniisip ko. "Bakit ba?"

"Anong bakit ba ka riyan? Tapos na! Naihaw ko na lahat." Napatingin naman ako sa inutos ko, at tapos na nga siya. Ang bilis naman niya! Kaya pala nararamdaman kong parang umiihip ang hangin, kasi ako na pala ang pinapaypayan niya.

"Dapat marami akong makain niyan, ah. Ako ang nag-ihaw." Tumaas naman ang kilay ko.

"Parang ang pinaparating mo niyan, gusto mong mag-uwi. Para may pang dinner ka?"

Napaiwas naman siya ng tingin. Ugali na niya iyon, eh. Ewan ko ba sa babaeng 'to! Malaki naman ang suweldo niya, pero sobrang tinitipid ang sarili. Minsan ko nga siyang tinanong niyan.

"May pinag-iipunan ako." Iyon lang naman lagi ang isinasagot niya sa akin. Hindi na ako nagtanong pang muli. Kapag sa mga ganoong topic kasi halos wala siyang maibahagi.

"Para kanino ba kasi 'yan?" Pumasok na kaming kusina at nagsimula na akong naghalo ng mga ingredients na nahiwa ko kanina.

Hindi lang 'to madaldal, eh. Madalas marites din. Siya lagi ang nakakauna na makasagap ng balita. "Secret na 'yon! Baka ibalita mo pa sa iba," biro ko. Alam ko namang mapagkakatiwalaan siya, mahirap nga lang baka kasi may mga makarinig sa amin.

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon