Kabanata 28
Minsan, sa buhay hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pagsubok na binibigay o iyong mga surpresa na talagang gugulantang sa buong pagkatao ko.
Alam ko naman na hindi iyon maiiwasan. Hindi ko alam kung sa puntong ito paborito ba ako o minamalas lang talaga ako. Talaga yatang araw ko ngayon, dahil ginugulat ako ng mga pangyayari.
Ako ang umuwi ng Pilipinas, para i-surprise sila. Pero, mukhang ako na naman ang nasurprise sa mga kaganapan.
Inis akong bumaling sa kasama kong lalaki. Hindi ko alam kung paanong nakasakay ako sa sasakyan niya ngayon. Kung paanong sumama ako sa kaniya? "Where the hell are you going to take me?" mataray kong sabi, hindi ko maiwasang mapairap.
Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Naghihintay ng kaniyang sagot, pero halos mandilim na ang paningin ko wala pa rin akong nakuha na sagot mula sa kaniya. Mas lalo lang namumuo ang galit sa dibdib ko.
Walang hiya 'tong Nurse na 'to. Hihilain ako, tapos hindi pala ako kakausapin.
Kung iignorahin lang pala niya ako rito, sana hindi na lang niya ako sinama, 'di ba?
Seryoso lang siyang nakatingin sa daan, parang walang naririnig. Nakakainis talaga! Kung bakit ba kasi, eh.
Ayaw ko man ng ideyang lumapit sa kanila, pero mukhang wala naman akong magagawa na. Dahil nakapasok naman na sila. Hindi ko nga lang alam kung paano, at kung ano ang ginagawa nilang dalawa rito.
Kailan ko pa sila naging kapatid?
"You two should stop that staring game of yours!" suway ko, pero talagang hindi pa sila natinag. Matigas ang mga ulo nila! "Isa!" banta ko. Subukan nilang huwag makinig sa akin.
Talagang nagbantaan pa sila ng tingin bago nag-iwasan, eh.
"Care to explain to me why both of you are here? I didn't know I had a new brother," sarkastiko kong sabi. Pinagdiinan ko pa ang salitang brother, na tingin ko hindi nila pareho nagustuhan.
Deserve niyo 'yan! Bakit ba kasi kayo nandito, ha?
"What?"
Kita ko ang pagkairitado sa mukha ng dalawang lalaking kaharap ko, halos sabay pa nila iyon na sinabi.
"I am not your brother, Kali!" Todo depensa naman ni Elian. "I will be your soon-to-be boyfriend!" Nagmamalaki niyang sabi, nginisian pa niya iyong katabi niyang si Wyatt na mas naging iritado ang mukha nang marinig iyon mula kay Elian.
Isa rin 'tong lalaki na 'to. Talagang nagulat ako kung bakit siya nandito, at parang wala lang iyon sa mga magulang ko.
Huwag nilang sabihin na...
"Siya iyong pambato 'to!"
Ano 'to? Election?
Hindi ako makapaniwala na tumingin kay mama. Seryoso ba siya? Naisingit pa niya iyon! Sobrang lawak pa ng ngiti ni mama at ramdam ko ang pagka-proud niya. Kaya lumalaki ang ulo ng lalaki na 'to, eh! Kaya rin pala may kapal ng mukha siya na magpunta rito, dahil alam niyang may kakampi siya at ang nanay ko pa.
Kahit matagal nang binitawan ni mama ang katagang iyon ay malinaw pa rin sa memorya ko ang sinabi ni mama na kapag sinaktan ako ni Wyatt, pasensyahan na lang silang dalawa pero ipagkakait niya ako.
Nasaan na iyon, mama?
Hindi nakaiwas sa akin ang pagngisi ni Wyatt kay Elian. "I'll give that to you, mister—" Tumaas ang kilay niya, naghihintay ng sasabihin ni Elian.

BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
General FictionLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...