KABANATA 25

1.6K 29 0
                                    

Kabanata 25

Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na ako sa tabi ni Alaina.

Sobrang lawak ng ngiti ko, nagpapatunay lamang iyon kung gaano kasaya iyong puso ko ngayon.

Iyong ngiti ng mga tao, iyong sarap sa tainga ng kanilang palakpakan. Hindi kailanman nakakabingi, dahil ang palakpak na iyon ay isang senyales ng paghanga, suporta at para sa akin isang ebidensya na nakamit ko ang isa sa mga plano ko sa buhay.

Ang makapagpatayo ng sarili kong restaurant.

Malaki ang parte ng pagiging barista ko noon, isa iyong magandang experience na tumulong sa akin kung paano ko hinarap ang trabaho ko ngayon. Kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko noon.

"Good morning," nakangiting bati ko, punong-puno ang puso ko sa kagalakan. "Isa pong karangalan sa akin, na ako'y nasa harap ninyong lahat ngayon. Ang makita po kung gaano karaming tao ang nag-aabang at naghihintay ngayon, bago po namin buksan ang restaurant... ay sobrang laking bagay po sa akin iyon." Muling pumalakpak ang mga tao. Dahilan para hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

"I am proud of you!" narinig kong bulong ng isa sa katabi ko, hindi na ako nagulat kung sino iyon. Si Elian. Saglit ko siyang binalingan, at nginitian. "Thank you."

"Of course, I can't do this alone. May mga tao po akong gustong pasalamatan, na sobrang laki po ang naitulong sa akin. To make this dream possible..." Saglit akong huminto, at huminga ng malalim. "She is a woman who never left my side from the beginning until now..." Iyon ang kinuha kong pagkakataon para sulyapan si Alaina. "My forever ally, Alaina Vivienne Delgado..."

Abot langit ang kaniyang ngiti sa akin.

"And of course, the man who helped me pursue this dream... in all the possible ways he could offer. "Binaling ko naman ng tingin si Eli. "Elian Luis Verano..."

Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha niya sa akin ang mikropono. "Good morning..." saglit na ngitian ni Elian ang mga tao. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hiyawan ng ibang tao, lalo na iyong mga babae na nasa likod. "To be honest, she was very hesitant at first, but as the days passed, she became used to it... I am proud of her," buong puso niya iyong sinabi. Damang-dama ko. "Thank you for giving us the credits, but you know to yourself that it was you who built this..." Pagtukoy ni Eli sa restaurant. "It was you who believed in your capabilities and your eagerness to live this dream. Congratulations, love."

Inabot niya sa akin ang microphone, at hinagkan niya ako sa pisngi. "I am grateful. I now see your smile—your genuine smile," pagtatama niya. "I love to see it more often, love."

Narinig ko pa ang pagkalungkot ng boses ng mga humihiyaw kanina.

"Ay taken na pala. Sayang! Abangan ko pa sana!"

"Suwerte mo, Chef!"

"Sana all po!"

"Pa-try naman iyong mabulungan!"

"Prayer reveal naman po!"

Ngunit hindi ko na iyon napansin masyado. Napawi ang ngiti sa labi kong nakatingin sa kaniya, na kaagad ko rin naman na binawi. Alam ko ang tinutukoy ni Elian, iyon ang mga panahon na kasama ko siya pero sobrang wala ako sa sarili ko.

Hindi ko man lang magawang ngumiti sa mga tao.

At masasabi kong isa siya sa taong tumulong sa akin, para bumalik iyong ngiti kong iyon.

"Thank you," puno ng sinseridad kong sabi kay Elian.

Nakita ko ang pagkabahala sa kaniyang mata, para bang sinisisi niya ang sarili na nabanggit niyang muli ang bagay na iyon sa akin.

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon