KABANATA 11

1.7K 50 4
                                    

Kabanata 11

Warning: R-18. Read at your own risk.

Napayuko na lang ako at pinili ko na lang na ipagpatuloy ang pagkain. Mahirap pala magsabi ng masarap sa Nurse na 'to!

Leche, naisahan ako, eh.

"You, okay?" narinig kong tanong ni Nurse Wyatt, pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakayuko at tahimik na ngumunguya ng beef steak. Nahihiya ako, eh.

"Hey," maingat niyang sambit, at hinawakan ang panga ko para maiangat 'yon. Pero hindi pa rin ako tumingin sa kaniya.

Biglang nawala 'yong tapang ko.

"Kali, nabigla ba kita?" bigla ay tanong niya, nag-aalala. "I'm sorry, okay?" Nagmamakaawa ang kaniyang boses. "Please, look at me..."

Hindi ko rin naman siya matiis. Nakakainis! "Nagulat lang ako," mahinang sambit ko. Iyon naman kasi ang totoo, hindi ko inaasahan ang aksyon na iyon mula sa kaniya.

"But you're not mad?"

Umiling ako sa kaniya. "Bakit naman ako magagalit sa iyo?" nagtataka kong tanong. Kung galit ako panigurado na kanina ko pa siya nasapak, 'di ba? Kunin ba naman niya ang first kiss ko, eh!

"Because I kissed you without your consent?" nagtataka niya ring balik sa akin, alanganin.

"Kung hindi ko gusto, edi tinulak na sana kita, 'di ba?"

"Can I kiss you again, then?"

Huwat? Nabitin siya? Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya. Pero ang tingin naman niya, nasa labi ko.

Ang bilis naman niya!

"P-Puwede," nauutal ko pang sabi.

Ang rupok ko, ha!

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kaagad akong sinungaban. Muling naglapat ang labi naming dalawa. Sobrang gaan ng kaniyang halik, pero ramdam na ramdam ko ang kaniyang pagkasabik. Para bang matagal na siyang nagtitimpi.

Nanlaki ang mata ko nang kinagat niya ang ibabang labi ko. Dahilan din kaya napasinghap ako, kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para maipasok ang kaniyang dila.

Hindi ko alam ang gagawin ko, iyon ang totoo. Pero dahil sa kaniyang ginagawa, hindi na rin ako nahirapan. Sinundan ko lamang ang galaw niya, para ba niyang nililinis ang bibig ko sa paraan kung paano niya ako halikan. Lahat ng sulok, at gilid nadaanan ng kaniyang dila.

Halos maubusan ako ng hininga dahil sa ginawa niya, nanggigigil niyang sinipsip ang ibabang labi ko bago siya humiwalay sa akin. Habol pa rin ang aking hininga, pero parang sa kaniya wala lang iyon.

"Let's go," aya ni Nurse Wyatt, na parang nagmamadali pang makaalis kami.

Hindi pa nga kami kumakain, eh. Tapos aalis na kami kaagad?

"Pero hindi pa tayo kumakain," nakasimangot kong tugon.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at marahang hinila para makatayo na. "We'll eat somewhere else, and I'll make sure you'll be full! 9 months pa nga." Nakangisi pa siya.

Ano raw?! 9 months. Iba na iyon, ha!

Aangal pa sana ako kasi sayang ang pagkain, hindi pa nga namin nakakalahati, eh! Kaso wala na akong nagawa nang buhatin niya ako ng pang kasal, hindi na ako nag-apila pa. Parang nawalan ako ng lakas na gawin 'yon. Halos malalaki ang hakbang niya, para makarating kami kaagad ng elevator. Para bang gutom na gutom siya, akala mo naman aagawan ko siya sa kung ano man ang tinutukoy niya na pagkain.

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon