KABANATA 18

1.3K 31 4
                                    

Kabanata 18

"B-Bakit po tayo nandito?"

Nanatili lamang ang tingin ko kay Miss Manager naghihintay ng kaniyang isasagot. Pero halos bumagsak ang balikat ko nang hindi pa rin niya akong nagawang sagutin.

Lumabas siya ng kotse, at pinagbuksan ako. "Let's go... I'll answer all your questions later. But, for now, you have to follow me."

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Kahit naman nasa labas kami, boss ko pa rin siya. Kailangan kong sumunod sa kaniya. Gusto ko na talagang malaman kung bakit niya ako dinala rito. Dalhin ba naman ako sa hospital, pero wala naman akong nararamdaman na sakit. Ano kaya 'yon, 'di ba?

Baka may mali lang talaga sa pang-amoy ko? O baka naman may mali sa ilong ko? Puwede rin naman na baka si Miss Manager ang may nararamdaman na kakaiba, at isinama niya lang talaga ako rito.

Bakit naman kasi nagco-conclude ka kaagad Kali? Paano kung hindi naman pala ikaw? Ang dami mo pang sinabi!

Nanatili lang ako sa likod niya. Pumasok siya sa elevator kaya mabilis akong sumunod sa kaniya. Mahirap na baka maiwan pa niya ako. Siya na rin ang nagpindot doon, kaya nanatiling tahimik lang ako sa gilid hanggang sa ilang minutong makalipas nang magsalita siya.

"How many times have you done that thing?" Nagtataka ko naman siyang tiningnan, hindi ko naiintindihan ang sinasabi niyang thing. Ano ang tinutukoy niya?

Nakakunot pa rin ang noo ko. "Ano ang ibig ninyong sabihin?"

"You and Wyatt are in a relationship, right?" Doon lang niya ako hinarap, seryoso ang kaniyang mukha. Tumango naman ako sa kaniya. "You two hugged and kissed?"

Napalunok naman ako. Bakit namin 'to pinag-uusapan? "B-Bakit po?"

"I am asking you, if you both did that thing?" Kita ko ang pagkainip sa kaniya, pero nanatili lamang ang tingin niya sa akin. Naghihintay ng isasagot ko sa kaniya. "You know what I am talking about, Kali. I know you're aware of it."

"Y-Yes," nakakunot noo kong sabi.

Tumango lang siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. "That makes sense..."

Gusto ko pa sana siyang tanungin pa, kaso sakto kasing bumukas ang elevator. Nauna siyang lumabas, sumunod lamang ako sa kaniya.

Diretso lang ang daan hanggang sa tumigil siya sa isang pinto. Kumatok lamang siya at nang marinig niyang nagsalita ang nasa loob. Pinauna niya akong pumasok.

"Good morning, doktora," narinig kong bati ng nasa likuran ko.

"Good morning po." Gumaya na rin ako. Kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit kami nandito na dalawa ni Miss Manager.

Ngumiti sa amin si doktora. "Morning," tipid lang niyang tugon. Inimuwestra niya ang dalawang upuan sa kaniyang harapan. Iginaya naman ako ni Miss Manager doon.

"What kind of help can I do for you this time, Miss Manager?" Parang nang-aasar ang tinig ni doktora. Nakita kong umirap lamang si Miss Manager. Iyon ba ang pinunta namin dito? Ang makipag-irapan siya?

Hindi naman na ako magtataka na magkakilala sila, todo irapan, eh! Pero kung kilala niya, bakit Miss Manager lang din ang tawag ni doktora? Taguan ng pangalan?

"Tsk! It's not me," masungit na kontra ni Miss Manager kay doktora. "She's the one who needs your help." Binalingan niya ako, kaya pati si doktora nabaling ang tingin sa akin.

Nanlaki ang mata kong tumigin sa kaniya. Tinuro ko pa ang sarili ko. "A-Ako po?" Parang naging bingi ako sa puntong iyon at kailangan ko pa na i-kumpirma. Hindi pa rin ako maka-recover, eh. Wala naman akong problema. Paanong ako ang may kailangan ng tulong?

INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon