Kabanata 34
Nilapitan ko kaagad ang mga anak ko pagkatago ko pa lang ng cellphone ko. Sinenyasan ko silang lumapit sa akin, nagtataka pa sila noong una. Pero lumapit din naman sila.
Lumuhod ako sa harapan nila. Pinunasan ko ang noo nila pareho gamit ang likod ng palad ko, kahit naman malamig pinagpawisan pa rin sila.
"Turn around, Kuya Spike." Masunurin naman na tumalikod ang anak ko. Chineck ko ang likod niya kung pinagpawisan na. Nilagyan ko ng towel, ganoon din ang ginawa ko kay Zevria.
"We're leaving now," anunsyo ko sa kanila, na tingin ko hindi nila pareho nagustuhan. Lalo na si Zevria na busangot na ngayon ang mukha.
"You said we were eating here po momma." Todo reklamo si Zevria. "And Kuya Spike and I are not yet done playing po."
"I'm sorry about that. There's an emergency at work. I need to go there," pagsisinungaling ko.
Nagtext na kasi si Alaina, ayaw ko naman na maghintay pa ang mga tao.
"Is that more important than us po?" Inosente ang pagkakasabi ni Zevria, pero parang nadurog ang puso ko.
Parte lang iyon ng plano.
Ilang beses akong umiling sa kaniya. "Of course not, anak. You and Kuya Spike are more important to me than anything else."
"But you said po—"
"You want to come with me to work instead?"
Nagliwanag naman ang mukha ni Zevria, nagsimula na siyang tumalon talon. Tipid pa rin na ngumiti si Spike, mukhang nahihiya sa dami ng tao.
"I'm excited!" Tili ni Zevria.
Kumapit na sa akin si Zevria. "Kuya, let's go..." Inalok ko ang kamay ko at malugod naman niyang tinanggap iyon.
Sa byahe namin mabuti at hindi na sila nagtanong pa na dalawa, tahimik lang silang nakaupo sa likod.
"I saw your name po momma," magiliw na sabi ni Zevria, halata ang paghanga sa kaniya. Tanaw ko na kasi ang restaurant, at tutok siya sa paligid. Hindi malabo na hindi niya iyon makita. "Is that yours po, momma?" kyuryoso niyang dagdag.
Napangiti ako. "You and Kuya Spike own it, anak."
Nakita kong napakunot ang noo ng anak ko. "But... it's your name po. Not Kuya Spike and Zevria po..."
Pinark ko na muna ang sasakyan, bumaba ako at pinagbuksan ng pinto ang mga anak ko. "When you both reach the age of 18, the ownership of this restaurant will be transferred to your names," paliwanag ko.
Napatingin naman si Zevria kay Kuya Spike niya. "Did you understand Kuya Spike?"
"I thought you were doing your advanced research."
Napasimangot naman si Zevria. "That's why I am asking you, kuya. I don't know, eh!" Napapadyak pa siya sa inis.
"We'll explain when you reach the age of 18," tugon ni Spike. "I don't want to waste my saliva explaining it to you, and after explaining it, you wouldn't understand it."
"I guess that would be better," sang-ayon ko kay Spike, hindi ko intensyon na kampihan si Spike. Gusto ko lang na pumasok na kami sa loob. "Can we enter now?"
Mabilis naman silang tumango sa akin. Tulad kanina, hinawakan ko ang kamay nila pareho.
Nang nasa mismong harap na kami ng pintuan, pinagbuksan pa kami ng isang staff. Nauna akong pumasok, dahan-dahan naman silang sumunod. Halos kumapit pa silang dalawa sa akin, lalo na si Zevria.
BINABASA MO ANG
INJECTED LOVE (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
General FictionLOVE SERIES #1 | COMPLETED | PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [R-18] Si Lei Kali Angeles ay isang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukang shop. Ngunit nang unti-unting bumalik sa ayos ang lahat at muling...