02 The mission

2 3 4
                                    

"pagdating mo doon ,naghihintay ang makakasama mo sa misyon"sino naman kaya iyong sinasabi ni daddy na makakasama ko?

Oh well kung sino man siya ,alam kong matutulungan niya ako.

Sana....

"Agent Ryah nandito na tayo"anunsyo ng isa pang Agent na naghatid sa akin ,siya yung nagbigay ng papel kay dad,hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan niya.

"Salamat Agent-?"

"Dave po,Agent Dave"pakilala niya

"Salamat Agent Dave "tumango ako

"Mag iingat ka po"paalam niya at sinara ang sasakyan .Kumaway pa siya bago umalis.

This is it pansit!

This is the main location ng Misyon.

Isang Mansiyon,Isang napakalaking mansion.

Ayon sa nabasa ko ito ang Mansion ni Aurora.Pero tinatawag ang buong lugar na Hacienda Aurora.

Ayon pa doon isa itong napaka makasaysayang lugar kung saan ginanap ang isa sa pinaka engrandeng kaarawan sa buong mundo nung panahon nila.

Nuong kaarawang iyon ,inirigalo kay Aurora ang Diyamante.

Ayon pa duon ,sa libro  o journal nina mommy,nawala daw ang diyamante dahil ninakaw.

2010  ninakaw ang Diyamante sa mansyon kung saan iyon nakatago.2012 nang mapunta kay mommy at kuya ang case.Nahanap nila iyon pero ,napahamak sila dahil sa mga gusto ring kumuha niyon .

Ano ang mayroon sa diyamanteng iyon?

"Agent Ryah "tumigil ako sa pagiisip nang may tumawag sa pangalan ko

"A-agent Sanchez?" Sya yung Agent na kasama ko nung una at huling mahirap kong misyon.

Nakakahiya ,sya nanaman ang partner ko.

"Ako  ang malas na Agent,ikaw nanaman ang kasama ko,baka mawala mo nanaman ang ebide- "

"Hoy!hindi ko namam sinasadya yon 'no!"angil ko

"Oo na sige na ,tulungan na kita ,bukas na tayo magsimula ,partner ,sa ngayon ayusin mo muna ang mga gamit mo at lumibot tayo sa mansion"binuhat nya ang mga bagahe ko at dinala iyon sa isang kwarto na katabi lang nung sa kaniya.

"Bakit sa Mansiyon ni Aurora tayo tumuloy?"curious kong tanong

"Para hindi tayo maligaw sa imbestigasyon,marami parin kasing lihim ang mansiyon kaya pinahintulutan tayo ng daddy mo na dito tumuloy,para narin mabantayan natin ang mga taong gustong kumuha ng diyamante"paliwanag niya ,tumango lang ako.

Gaya nang sabi niya ay nilibot namin ang Mansiyon.Medyo hunted na ang itsura ng Mansiyon ,marami ding larawan ng mga taong tumira dito at mga pinta o obra maestra ni Aurora.

Si Aurora ,napahinto ako nang madaanan namin ang isang mukhang opisina.

"Ito ang library at opisina daw ni Aurora"sambit ni Sanchez

"Hmmm...grabe "wala sa sariling bigkas ko nang makita ko kung gaano iyon kaganda.

Malawak iyon ,doble nang isang kwarto,book shelf na puno nang maraming libro ang paligid at kulay ginto ang mga palamuti.

"Maiwan muna kita Alcantara " pinakita niya sa akin ang cellphone nya at tumatawag doon si Dad.

Tinanguan ko sya at nginitian.

Bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin na tumama sa aking balat nang lumabas sya.

Wala namang bintana dito ah?at hindi rin naman mahangin

The Lost Diamond of Aurora[Complete]Where stories live. Discover now