17 more revelations

0 0 0
                                    

    1956

Maiingay ang kalye at maraming banderitas ang nakasabit.

"Grabe Naman kung paghandaan ang kaarawan Ng batang iyon"

"Daig pa ang artista"

"Ang tawag sa kanya ay Donya"

"Conserbatibo ang kanilang pamilya,pinapractice parin nila ang gawi Ng mga espanyol"

Bulung bulungan Ng mga tao sa paligid Ng pinakamalaking masiyon sa Aurora ,Ipinangalan ang Lugar sa nagiisang anak na babae ni Don Aurello .

"Maligayang kaarawan aking anak"hinalikan ni Celestina ang noon Ng kaniyang anak,nakangiti Naman iyong tinugon Ng anak na noon ay labing walong  taon nitong kaarawan.

"Anak."Lalo namang lumawak ang ngiti Ng dalaga Ng ang kaniyang ama ay pumasok habang ang mga kamay nito ay nasa kaniyang likuran

"Papa ano iyang Nasa inyong likuran?"pabirong tinignan ni Aurora ang ama

"Galing ito sa iyong lola "inilabas ng ama ang isang asul na kahon mula sa kaniyang likuran .

"Ano po ito ?"

"Buksan mo"

Dahan dahang binuksan ni Aurora ang kahon ang maliit na kahon.

"Kwintas?"

"Hindi lang iyan basta kuwintas ang pendant nyan ay gawa sa totoong diyamante iyan ay nagkakahalaga ng bilyon gawa rin sa purong ginto ang iba pang bahagi nito ,halika at isusuot ko sa iyo"Masaya ang Donya sa kaniyang napakaespesyal na regalo at simula noon ay ipinangako nya sa kaniyang sari na ito ay kaniyang iingatan.

1968

Marami ang nakatipong mga tao sa mansiyon ni Donya Aurora hindi dahil kaarawan niya kundi sa isang masakit na trahedya.

"Napakabata pa niya"

"Sino ang may gawa?"

"Ang balita ko ay ginahasa daw siya bago pinatay"

"Hindi ba't may diyamante sya nasaan iyon?"

"Baka iyon ang dahilan"

Lingid sa kaalaman ng lahat ang totoong nagyari isang gabi

"Sino ka?!!huwag kang lalapit!"

"Sa akin dapat iyan ako ang panganay "

"Tumigil ka!,alam nating lahat na hindi ka anak ni papa,anak ka ng hardinero hindi ba Toryo Sanchez"Nagulat ang kapatid sa sinabi nya

"Kahit anong sabihin mo wala akong pake !akin na ang diyamante!"nagpumilit ang lalaki ngunit hindi binigay ng donya ang diyamante sapagkat iyon ay nakatago.

"Mapilit ka !"

"Tulong!"

Sa gitna ng dilim sa umuulan na panahon kasabay ng kulog at kidlat ang hiyaw ang hinagpis ng isang babaeng tinanggalan ng puri at dangal.

"Nasaan ang mga magulang nila?"

"Pinatay din ,hindi lang daw si Toryo ang magisang nagtangkang magnakaw ,maging ang totoong ama nito at mga kapatid"

"Kawawa naman ang donya"

Lumipas ang mga taon ang kuwentong ito ay nanatili nalamang sa alaala ng lahat ang ilan ay hindi ito alam .Pero isa ang sigurado ang lahat hindi natagpuan ang diyamante ni Donya Aurora.

                  Ryah 2020

"Hindi natin kailangan ng Glass hour o compass man ,dahil matagal na palang nasa harap natin ang diyamante"tinignan ko silang dalawa

The Lost Diamond of Aurora[Complete]Where stories live. Discover now