Agent Ryah
Masakit ang likod ko nang gumising ako,dahil siguro iyon sa sugat mula sa tama ng bala.
Walang tao sa kuwarto ,napagod siguro sila magbantay.
Teka ilang araw na ba akong narito?
Tinignan ko ang paligid ko ,kinapakapa ko din ang kama ko
Nasan ba ang cellphone ko?
Tumigil ako ng may makapang parang papel sa ilalim ng unan ko.
Kinaha ko iyon at nakita kong nakatupi iyon .
Kanino naman galing 'to?
Binuklat ko iyon .
Hmmm..sino namang magbibigay sa akin ng sulat?
Binasa ko iyon ,walang nakalagay kung kanino galing .
Miss na miss na kita,magkikita din tayong muli .
Ha?sino namang nakakamiss sa akin?si Fresly?wala naman dito ang isa ko pang best friend na si Katie,balita ko nasa ibang bansa siya .
So sino ka?
"Ryah"mabilis kong kinuyom ang papel nang pumasok si Thorn.
"Sa wakas gising kana"agad syang lumapit sa akin at niyakap ako."miss na miss na kita"naramdaman kong hinalikan nya ang gilid ng ulo ko.
"Hindi naman ako madaling mamatay"biro ko,he giggled.
Hinayaan ulit akong magpahinga ni Thorn ,kinagabihan bumisita sina Agent Mendoza at Peña ,pati narin si Calmus.
Sinabi rin sa akin ni Thorn na bumisita si dad nuong umaga.
Nang magising ako ng madaling araw ay may sulat ulit akong nakita,saying the same thing.
Hindi ko nalang pinansin baka ginu-goodtime lang ako ng kung sino.
Tanungin ko kaya si Thorn?
Sakto namang pumasok sya.
"Oh bakit gising ka pa?"inayos nya ang kumot ko
"Ikaw ba nagbigay ng sulat?"sa tingin pa lang nya sa akin ay ,hindi nga sya.
"Patingin ,anong sulat?"inabot ko sa kaniya ang papel.
"Hindi 'to sakin galing ,at hindi rin yan sulat ng kahit na sino sa atin"dagdag nya
"Ahhh...hayaan mo na baka may nang gu-goodtime lang"tumngo sya ,inayos nya ang pagkakahiga ko.
"Magpagaling kana,sasagutin mo pa ako"he chuckled tsaka ako iniwan .
AFTER a week of staying in the hospital ,hinayaan kaming mag leave ni dad.
Nakausap na din nya si Calmus at hinayaan syang sumama sa amin.
Nalaman din naming kapag nag succeed kami sa misyon pwedeng bumalik sa pagiging agent si Calmus.That make us so happy.
YOU ARE READING
The Lost Diamond of Aurora[Complete]
Misterio / SuspensoCompleted story Laging tinatanong ni Ryah kung anong nangyari sa mommy at kuya nya ,namatay sila dahil sa misyon na hindi nila natapos . That was more than 12 years ago at hanggang ngayon ang mga pumatay sa kanila ay nananatiling misteryo. Ang alam...