04 Glass hour

2 3 6
                                    

Chief Alcantara

"Sa ngayon ,maaring nakuha na nila ang glass hour,kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga tanong ni Ryah"umiling ako sa sarili kong naiisip.

Sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi sya natatapos ,ang pangalawang journal ang unti unting maglalapit sa kaniya sa katotohanan at ang pangat lo ang magbibigay sa kaniya ng kasagutan.

Nag aalala ako ,ang glass hour na iyon ang dahilan kung bakit napahamak ang mag ina ko,nang malaman nila kung para saan ang glass hour na iyon ,hindi na sila tinantanan ng mga kaaway .

Ibinalik nila ang glass hour bago sila mahuli ng mga kaaway at mapatay.

Kinuyom ko ang kamao ko at  kinuha ang ikalawang journal .

"Kung saan man naroroon ang pangatlo ,sigurado akong malapit doon ang hinahanap ni Ryah"tinignan ko ang family picture namin.

Nawa'y magtagumpay ka anak

Agent Ryah

*

"Sino ang mga iyon?"tanong ko kay Sanchez,pabalik na kami ngayon ,nagmamadali kami baka masalubong o maabutan kami ng mga lalaki.

"Hindi ko alam ,siguro sila yung mga gusto ring makuha ang diyamante"sagot niya.

Ibig sabihin"sila yon"bulong ko

"Dalian natin"nauna akong naglakad sa kaniya.

NAKABALIK KAMI NG MANSIYON nandito ako sa kwarto ,tinititigan ang glass hour.

Ano bang hiwaga ang mayroon ka ?at anong kinalaman mo sa Diyamante?

At saan kita ilalagay?saang lugar saan?paano kita maibabalik sa dapat mong kalagyan?

"Haysss!"padabog kong kinuha ang glass hour ,isang dangkal ang laki niyon ,maliit lang ,kaya saan 'to dapat ilagay?

Binalot ko iyon ng tela at nilagay sa bag ko.

Darating din ang panahon na masasagot lahat ng tanong ko.

"Alcantara maghanda kana ,babalik na tayo sa Manila"sumulyap sya sa pinto

"Huwag kang mag alala ,hindi mo yan hawak ngayon kung wala iyang kinalaman sa mga nangyayari,mapagdurugtong dugtong din natin ang lahat"bumaba sya nang tingin at sinara ang pinto.

Tama si Sanchez,Time will come and we will figure things out.

UMALIS KAMI NANG MANSIYON PARA IPAALAM KAY DAD ANG MGA NANGYARI.

Buong biyahe tulog lang ako ,sinundo kami ni Agent Dave .

Nang makabalik kami agad kaming nag report sa agency.

"Chief" sumaludo si Sanchez,ganon din ang ginawa ko.

"Mahusay,you two can continue the mission anytime you wanted ,sa ngayon magpahinga muna kayo"sumaludo ulit si Sanchez at nauna nang lumabas,nilingon pa niya ako at tinanguan

"Ryah maiwan ka"bumuntong hininga akong humarap kay daddy

"Dad,where should I put these?"pinakita ko sa kaniya ang Glass hour.

The Lost Diamond of Aurora[Complete]Where stories live. Discover now