Agent Ryah
"Siguradong wala na sila ngayon duon ,lumipat na sila"tama si Calmus ,hindi na namin sila mahahanap sa lugar na yon
"E pano natin sila mahahanap? "It was kyla ,sipping her coffee
"Kasama nyo ako,sasabihin kong babalik na ako sa kanila ,na hindi ko na sila susuwayin o di kaya tulungan tayo nang isa pang malapit sa kanila"Calmus sounds sarcastic?ano naman ang tinutukoy nya or should I say sino?
At oo tama kayo ,sinabi namin kina kyla at Dave na dating miyembro ng grupo na iyon si Calmus pero hindi namin sinabing magkapatid sila ni Thorn.
"May tiwala kami sa'yo"ani Dave"hindi ba Agent Sanchez?"tumingin sya kay Thorn at ngumisi ,ngiti naman ang isinukli ni Thorn."Woooh"Kyla clap"kung ganon tara na!"agad syang lumapit kay Calmus at isinukbit ang braso sa niya.
Sumakay kami ni Thorn at Calmus sa isang kotse sa kabilang kotse naman yung dalawa ,nagreklamo pa si Kyla ,eh bakit daw hindi nya kasama si Calmus.
"Mag iingat kayo kay Dave"biglang ani Calmus,habang naka dekwatro sa backseat
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko
"Wala,mukha lang siyang hindi mapagkakatiwalaan"aniya pa
"Ano kaba bro,mapagkakatiwalaan si Agent Mendoza,kasama ko sya nuong nagaaral ako"si Thorn .
"Mukha ngang hindi lang ganoon kaganda ang tingin ko sa kaniya"dagdag ni Calmus ,tinignan ko sya pero nakatingin na sya sa labas.
"Hindi pa sila nakakalayo ,sigurado ako ,kaya maghanap tayo sa paligid o sa karatig na barangay"ani Calmus habang nakatingin pa rin sa labas
"Sigurado na sinusundan nila ang glass hour"ako,dahil iyon ang pinang hahawakan nila para mahanap ang diyamante,siguradong sinusundan nila iyon.
"Tama,kaya duon tayo sa susunod na barangay"bumusina sya para senyasan sina Agent Dave na nakasunod sa amin
Para kaming naglalaro ng tagu taguan ,at kami ang taya ,kailangan naming mahanap sila sa lalong madaling panahon bago pa nila matagpuan ang diyamante.
Agent Kyla Peña
"Bakit ba ganiyan ka?bago tayo pumunta dito ang saya saya mo ,tapos ngayon di naman maipinta yang itsura mo ,ayos kalang ba talaga?" Sa totoo lang nag aalala ako kay Mendoza,medyo weird kasi ang iniasta nya nang makarating kami sa Mansyon.
"Dahil ba kay Sanchez at Alcantara?"hindi pa din sya sumagot ,nakakairita na ah!
"Dapat talaga magkasama kami ni Calmus eh!"I cross my arms,bigla namang nagbago ang itsura ni Dave ,mas lalo siyang sumeryoso.
"M-may problema ba?Kilala mo ba si Calmus?"tanong ko pero still no response ,naiirita na talaga ako punyaters.
"Hoy Mendoza baka naman gusto mo akong kausapin ,nabobored na ako dito para akong walang kasama at may nang dadrive na multo!!"nilakasan ko ang boses ko,pero lintek wala talagang sagot,kaya sumimangot ako at di nalang sya pinansin.
Medyo weird talaga si Mendoza ,hindi naman sya tahimik na tao ,ang alam ko gusto nya si Alcantara ,ahh baka nagseselos sya ,ay!
YOU ARE READING
The Lost Diamond of Aurora[Complete]
Mystery / ThrillerCompleted story Laging tinatanong ni Ryah kung anong nangyari sa mommy at kuya nya ,namatay sila dahil sa misyon na hindi nila natapos . That was more than 12 years ago at hanggang ngayon ang mga pumatay sa kanila ay nananatiling misteryo. Ang alam...