"teka ano ba yang tinatago mo dyan sa likod mo ha!"pilit kong inaabot ang nasa kamay ni Thorn pero sadyang matangkad sya,nakakainins!
"Sabihin mo munang tayo na"Hanep tong lalaking to ni hindi panga nanliligaw!
"Gago ka ba!"singhal ko
"Ouch aww"nagkunwari pa syng hawak ang puso animo'y nasasaktan
Inis ko syang pinalo ,tumawa naman sya at niyakap ako.
"Pakasal na tayo"inis akong humarap sa kaniya at pinalo sya sa dibdib
"Hindi ka panga nanliligaw ,tinanong mo ako kanina kung tayo na tapos ngayon kasal agad ,e kung barilin kita!"
"Joke lang eto naman,pero kung aayain kitang magpakasal papayag kaba?"bigla naman syang nagseryoso ,bigla akong kinabahan.
"Ewan ,try mo"tumawa ako pero seryoso parin sya
"Hindi ka nagbibiro ,seryoso ka?"Tawa ko pa,pero mukhang seryoso nga sya
"Ryah"aniya sa seryosong tono
"Pwede bang mangako ka ,na hindi ka aalis sa tabi ko "Sa pagkakataong iyon narealize kong talagang talagang seryoso sya lintek anong gagawin ko!
Lumuhod sya
"Hindi ako magpopropose para sa kasal,gusto ko lang mangako ka na ,magpartner tayo hanggang dulo sa misyon man iyon o sa totoong mundo"sinsero nyang tugon at mula sa bulsa nya ay inilabas nya ang isang maliit na kahon ,na animoy luma kung tignan dahil gawa sa kahoy ang box pero ng buksan nya iyon ,isa iyong napakagandang singsing
"Saan mo naman...."
"Binigay sa akin ni Donya Aurora,sabi nya ay bigay ito ni Bernardo sa kaniya nuong magkasintahan palang sila bilang pangako ni Bernardo na kailan man ay hindi nya iiwan si Donya Aurora ,na kapag kailangan nya ng tulong agad syang pupunta,Ryah gusto ko ganoon tayo sa isa't isa ,hindi ko hinihiling na ibigay mo sa akin ang sarili mo na buong buo ,hindi,dahil ang gusto ko lang makasama ka,magmahalan tulad ng pagmamahalan ni Donya Aurora at Bernardo"hindi ko alam !teka !
"Hindi ko maipapangako na mananatili ako sa tabi mo habang buhay ..."kita kong nalungkot sya grabe ano ba ang ginawa ko at biniyayaan ako ng ganitong lalaki!
"Pero pangako hindi kita iiwan at mananatili ako sa'yo hanggat kaya ko"ngumiti sya at agad akong niyakap ,kusa rin syang humiwalay sa yakap na iyon at isinuot sa akin ang singsing
Ang ganda ,sobrang ganda ng pakiramdam ko.
Kyla
Ang masasabi ko lang ngayon ay
AWKWARD.....
daig pa namin ang madaling araw sa tahimik naming dalawa,eto naman kasing si Calmus pa hard to get!
Pagkatapos ng misyon ay bumalik sya sa pagiging agent at marami akong nalaman tungkol sa kaniya, Pero akin nalang yon
"Alam mo dapat di mo na ako sinamahan dito kung hindi ka lang din iimik"makapal na mukhang sabi ko pero ang lintek ,oh sya sige
"Makaalis na nga ,daig mo pa tuod , you're so boring!"akmang tatayo ako pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko
Tinignan ko sya ,oh eh tignan mo nga ang karisma ko gumagana!
"Oh ano!"
"Ikaw naman ,makaarte ka ,may tayo?"
Hmmmppp nakakainis talaga
YOU ARE READING
The Lost Diamond of Aurora[Complete]
Mystery / ThrillerCompleted story Laging tinatanong ni Ryah kung anong nangyari sa mommy at kuya nya ,namatay sila dahil sa misyon na hindi nila natapos . That was more than 12 years ago at hanggang ngayon ang mga pumatay sa kanila ay nananatiling misteryo. Ang alam...