18 paalam

0 0 0
                                    

Ryah

Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy ,hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula.

Flashback

"Papa!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita.

Daddy.....

Nilingon ako ni Dave,nagulat pa ako ng madali nya akong lapitan ,walang nakagalaw ni isa sa kanila ,hinila nya ako at tinutukan ng baril sa sintido

Nabaril ni Dave si Daddy dahil ..dahil ...iniligtas nya ako,dapat ako yung tatamaan

Wala ni isa ang lumapit sa amin ,nagpapakiramdaman ang lahat sa susunod na mangyayari at si Leon mukhang enjoy na enjoy sa nakikita hanggang sa.

*Bang!

Isa nanamang putok ng baril ang aming narinig at nang ilibot ko ang aking paningin ,ayon si Thorn may hawak na baril ,nakatutok sa noo ng kanyang ama,gulat ang lahat sa nakita ,maging si Calmus ,Gregor at Si Amorsolo .

"Bakit mo binaril ang sarili mong ama ,hayop ka Thorn!"kasabay non ang sunod sunod na pagbutok ng mga baril.

Marami ang nabaril at may mga namatay sa mga tauhan ni Don Romano ,habang si Leon at ang dalawa pa ay nakahandusay na din sa Sahig at wala ng buhay.

Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa nakita ko,sa mga nakita ko,si Dave bigla nalang nawala nang nagbabarilan na ,habang ako heto parang binuhasan ng malamig na tubig...kahit na nagsinungaling sya at tinangkang patayin ang tunay kong ama ,sya ang nagpalaki sa akin ,walang galit sa puso ko ,mahal ko si Daddy,pinalaki nya ako na parang tunay nyang anak,naiinis ako oo,pero dahil iyon sa kasinungalinangn nya at pagpapaniwala nya sa akin na sya ang ama ko.

Na saaakin ang mata ng lahat maging si Don Romano,agad akong nilapitan ni Thorn upang yakapin .

"Tapos na ,tapos na shhhh"inalo nya ako,lumapit din si Calmus kay Thorn at tinapik ito sa balikat.

"Ginawa mo ang tama Thorn ,tama lang na matapos na ang kasamaan nya ,tutal hindi naman natin sya tatay ,dahil walang ama na gustong mapahamak ang kanyang mga anak"ani Calmus,naramdaman ko ang yakap ni Thorn na lalong humigpit.

Nagawa nyang patayin ang papa nya para lang matapos na ang lahat ng ito.

"Anak...."

"Anak...halika na ,hinihintay na tayo ng mga kaibigan mo"si Don Romano habang hawak ako sa aking dalawang balikat .

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin"Sinasbi ko iyon kay Don Romano habang nakatingin sa puntod ni Daddy.

The Lost Diamond of Aurora[Complete]Where stories live. Discover now