Dali daling ginising ni Aurora ang kanyang Lola na natutolog habang hindi mag kandaugagang sinilid niya ang kanilang mga damit sa isang hindi kalakihang bag.
"Lola lola gising gumising ka Lola may mga taong paparating dito sa atin may dalang mga sulo," napabalikwas naman ng bangon ang kanyang Lola at kinuha ang isang maliit na carton sa ilalim nang kanilang higaang papag.
Lumabas sila salikurang bahagi nang kanilang kubo para hindi sila makita nang mga paparating na mga tao. Nang makalabas na sila sa kanilang kubo ay patakbong nagkubli sila sa isang damohan sa likod nang kanilang bahay.
"Mga kasama," sabi ng isang babae "patayin na ang mga salot na yan sila ang dahilan kung bakit maraming nag kakasakit na bata dito sa ating baryo , sila ang dahilang kung bakit may sunod sunod na namamatay sa ating mga kabaryo,nang dumating ang mga salot na iyan nag simula ang sunod sunod na kamalasan dito sa ating baryo, kaya mga kasama sunugin na ang kubo ng mga salot, halimaw," habang hinagisan nila nang gaas ang kubo at sinilaban nila iyon gamit ang kanilang bit bit na mga sulo!
Walang nagawa sina Aurora kundi ang pagmasdan ang kanilang nasusunog na kubo. Nang tuloyan nang maabo ang kanilang kubo ay saka palamang nag si alisan ang mga tao,nang wala na ang mga tao sa lugar, ay saka palamang lumabas sa kanilang pinag tatago-an sina aurora tinungo nila ang kanilang kubo na naging abo.
"Ano bang kasalanan natin sakanila Lola? bakit nila tayo pinagbibintangan bakit nila tayo hinuhusgahan?? Isinumpa ko sa lugar na ito wala nang mang aapi sa ati, wala ng mang huhusga sa pag katao natin isinusumpa kooooo...." kasabay noon ang pag bagsak nang ulan
Makalipas ang dalawang taon ay namuhay nang tahimik at masaya ang mag Lola sa isang Bayan nang Sanroque.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
Horrorsa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?