Kabanata 9
Mag isa nalang si Aurora sa kanilang kubo habang naka upo siya sa silyang tumbatumba ay parang wala sa sarili na naka titig siya sa kawalan ang dami niyang tanong na hindi niya masagot, hindi rin niya alam kung saan siya mag sisimula sa pag tuklas sa totoong nangyari sa kanyang Lola,Na pahagolhol nalamang siya sa mga isiping iyon.
Makalipas ang ilang araw patuloy parin ang buhay ni Aurora unti-unti niyang sinasanay ang kanyang sarili sa pagka wala nang kanyang Lola.
Habang nag didilig si Aurora sa kanyang mga pananim na gulay ay may na rinig siyang isang kaloskos sa may talahiban sa likod ng kanilang bahay. Hindi niya ito pinansin ngunit pinakikiramdaman niya ito tila ba may nag mamasid sa kanya.
Kinakabahan si Aurora kaya pumasok siya sa kubo at isinara niya ang pinto, sumilip siya sa may siwang ngunit wala naman siyang nakitang tao. Kinakabahan si Aurora sa oras na iyon.
"Hindi kaya may nag mamanman sa akin? Baka gusto rin akong patayin ng taong pumatay sa lola ko hindi maari turan niya sa kanyang sarili." Kinuha niya ang itak at isinukbit niya iyon sa kanyang baywang.
Hindi na lumabas si Aurora sa kanilang kubo ng araw na iyon. Nagkulong nalang siya at na kikiramdam sa kanyang paligid para na siyang baliw sa kanyang ginagawa.
Buong gabie hindi siya naka tulog dahil may naririnig siyang mga kaloskos sa labas kinakabahan talaga siya. Parang may masamang mangyari sa kanya.
Ala singko na nang ugma nang tingnan ni Aurora ang relo na nakasabit sa dingding nang kwarto dahil sa subrang antok hindi na niya namalayan na nakatolog na pala siya.
Samantala, balisang balisa si Tomas kani nalang ay pumunta siya sa kubo ni Aurora nag kubli siya may talahiban upang hindi siya nito makita, pero sa kanyang nakita ay parang walang nangyari sa bahay nito parang walang namatay.
"Baka buhay pa ang matanda, "
"Pero sigurado ako na patay na ang matandang yun," bulong niya sa kanyang sarili," kung patay na talaga ang matanda bakit hindi nang hingi nang tulong si aurora bakit walang lamay ang nangyari?" May pag tatakang tanong niya sa kanyang isip, hindi talaga siya mapakali sa mga isiping iyon.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
Korkusa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?