Kabanata 6
Tulala si Aurora habang naka titig sa katawan ng kanyang lola na nakahiga sa papag, nalinis na niya ang dugo na sa sahig at sa higaan nito. Nilinis na rin niya ang katawan ng kanyang lola at binihisan niya ito sa pinakamaganda nitong bistida.
Hindi na siya nakakain ng haponan dahil sa nawalan na siya ng ganang kumain, dahil sa nangyari.
Habang naka higa si Aurora sa sa sahig nilang kawayan ay hindi parin niya lubos maisip ang nangyari sa kanyang lola sa isang iglap na wala na ito.
Iniisip niya kung sino ang gumawa nito sa kanyang lola, kung bakit pinatay ito? Anong nagawang kasalanan nila? Wala naman silang kaaway ni wala silang kapit bahay kay imposibling may gagawa sa kanila nang ganon.
Kung ang lola niya pinatay baka siya rin ay isusunod, hindi, hindi maari turan ni Aurora sa kanyang sarili, hindi ninyo ako ma papatay. Isinusumpa ko pag babayaran ninyo ang ginawa ninyo sa pamilya ko.habang nag tatagis ang kanyang bagang.
"Pinapangako ko sayo lola ipag hihiganti kita hindi ako aalis sa lugar na ito kung hindi ko mapapatay ang gumawa sayo nito, hahanapin ko ang pumatay sayo lola pangako ko yan sayo.
Mugto ang mga mata ni aurora ng umagang iyon mag damag kasi siyang umiiyak, nasa kusina si aurora at nag iinit ng tubig para sa almusal. Kailangan kung maging matatag kailang hindi ako mag papa apekto sa mga nangyari kailangan kung mabuhay kailangan kung maghiganti, matapang na saad niya sa kanyang sarili.
Pag katapos mag almusal ni aurora ay pinanhik niya ang kanyang lola sa kanilang kwarto, kaka usapin niya ito sa kahulihulihang pag kakataon. Dahil balak na niyang ilibing ito sa likod nang kanilang kubo.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
Horrorsa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?