32

2.9K 78 6
                                    

Tok tok tok

Tatlong katok ang ginawa niya, at bumukas ang pinto ng bahay,na bungaran niya si Aling Nating.

O Aurora ikaw pala, anong atin?

Ah wala ho binibisita ko lang kayo.

Ah ganon ba, balita ko umalis ka raw dito sa lugar natin.

Ah oo nag punta ho ako ng Maynila, hindi naman ako masyadong nag tagal doon sagot ni Aurora.

Halika pasok ka muna, aya ni Nating.

Ano nga palang ginawa mo doon sa Maynila?

Wala ho may inaasikaso lang tipid niyang sagot.

Nga pala Aling Nating nasan ho si Mang Kanor?

Ah si Kanor, nasa bukid mamayang hapon pa ang uwi non.

Mabuti naman, mahina niyang sabi at lihim na napangiti.

Jan ka muna ha at ipag titimpla kita ng juice.

Sige ho salamat, tugon niya.

At nang nasa kusina na si Aling Nating ay nag karon ng pag kakataon si Aurora sa kanyang balak.

Dahan dahan niyang tinungo ang kusina, habang abalang-abala si Nating sa kanyang ginagawa ay mabilis niya itong hinataw ng matigas na bagay sa ulo nito, dahilan upang ma matumba ito at mawalan ng malay.

****

Pagkagising ni Nating ay na sa kwarto na siya naka upo sa isang silya at naka gapos ang kanyang, kamay at paa, at may busal din ang kanyang bibig.

Nag tataka siya kung bakit ganon ang naging ayos niya.

Mayamaya pa ay pumasok na si Aurora dala ang kanyang mga gamit.

Ipinatong niya ito sa isang maliit na lamisa.

Nan laki ang mga mata ni Nating, dahil sa kabiglaan, at may pag tatanong din ang kanyang mga mata.

****

Alam mo ba kung bakit ko ginagawa ito? Dahil nag hihiganti ako sa pamilya ninyo, alam mo ba kung bakit?

Dahil pinatay ng walang hiya mung anak ang lola ko? Ang nag iisang pamilya ko, kaya nga pinatay ko rin sila, at alam mo ba? Yung mga kapatid mo pamangkin at anak mo? Wala na sila dahil pinatay ko na, sila yunga ang inaasikaso ko sa Maynila.

Bwahahhahaha... masaya diba?

At ngayon ikaw na man at ang asawa mo, hindi ko kasi kayang biguin ang lola ko, ipinangako ko kasi sa kanya na uubusin ko kayo.

Parang baliw na galit na galit si Aurora habang sinasabi niya iyon.

Sino kaya ang uunahin ko sa inyong dalawa, ah! si Mang Kanor nalang kaya.

Nag pupumiglas si Nating sa kanyang kinauupoan, at pilit na kumawala sa pag kakatali niya.

Iyak na siya ng iyak dahil sa sinabi ni Aurora na patay na ang mga kapatid
Pamangkin at niya.

Hayop hayop ka....

Sabi niya kahit pa may busal ang kanyang bibig, habang patuloy na naglandasan ang kanyang mga luha.

Kita mo ito? Sabi ni Aurora sabay pakita niya sa maliit na manika, ito ang papatay sa inyo, at alam mo ba? Ito din ang pumatay sa mga anak mo kapatid at pamangkin mo.

Kawawa nga eh... nang uuyam na sabi ni Aurora.

Hindi ko nato patatagalin pa, ito si Mang Kanor idenimo pa niya sa harap ni Nating ang kanyang gagawing pag kulam kay Kanor.

Ano bang gusto mong mangyari sa kanya? Ah alam ko na.

Kumuha ng isang insekto si Aurora at ipinatong sa may bibig ng manika at dinasalan niya ito.

Tinusok din niya ng karayom ang tiyan nito, at pag katapos ay tinusok niya ng matulis na barbique stick ang gitnang bahagi ng manika papunta sa bibig nito.

****

Abalang abala si Mangkanor sa kanyang ginagawa sa bukid, tirik natirik ang araw, pero patuloy parin siya sa kanyang ginagawa, sanay na siya sa init dahil ito naman ang araw araw niyang trabaho.

Pero bigla nalang siyang nakaramdam ng pag hilab ng kanyang tiyan.

Bigla nalang siyang sumuka, pero laking gulat niya dahil puro insekto ang isinusuka niya, masakit na ang kanyang lalamuna sa kasusuka ng mga insekto.

Dyos ko ano ba nangyari sakin, dali dali naman sumaklolo ang mga kasamahan niya sa bukid.

Dinala siya sa kubo ng mga ito, pero hindi parin tumigil ang kanyang pagsusuka.

Na barang ka ata Kanor anang isang lalaki.

Oo nga hindi normal ang mag suka ng insekto, kung hindi ito na barang.

Mayamaya pa ay sumakit na rin ang tiyan ni Kanor dahil parang tinutusok ito,namimilipit siya sa sakit.

Ahhhhh..... sigaw ng matanda

Ilang sigundo lang ang naka lipas ay nalagutan na ng hininga si Mang Kanor  habang naka hawak siya sa kanyang tiyan.

Walang nagawa ang kanyang mga kasama, habang tinitingnan nila si Mang Kanor ay nagulat pa sila habang lumalayo sa bangkay ng matanda dahil nag silabasan sa katawan nito ang napaka raming mga uod.

******

Labis labis ang iyak ni Nating, kailangan niyang makawala sa pag kakatali.

Ginalaw galaw ni Nating ang kanyang kamay para lumuwang ang tali, at parang nag tagumpay naman siya kailangan niyang makawala sa demonyong si Aurora.

Insakto namang, lumabas si Aurora kaya na hubad niya anv tali sa kanyang mga kamay,  kinalagan na rin niya ang tali sa kanyang paa.

Dali dali siyang bumalik sa pwesto dahil, nakarinig siya ng yabag papasok ng kwarto.

Hindi naman na halata ni Aurora ang tali niya sa paa dahil mataas ang saya niya at natatabunan ang kanyang paa.

Kailang niyang mag isip ng paraan.

Naisip niya ang krusifiks nila, na nakasabit sa ulohang bahagi ng kanilang higaan, matulis ang dulo niyon, kailang niyang makuha iyon.

Hinarap na ni Aurora si Nating.

O ikaw na ang susunod, handa ka naba Aling Nating? Habang humalakhak siya ng napaka lakas.

Bumalik uli siya sa maliit na lamisa at sa pag kakataong ito ay naka talikod na siya kay Aling Nating.

Naka dipa ang dalawang kamay habang nag darasal, nag darasal muna kasi  siya bilang alay sa diablo bago niya simula ang kanyang gagawin.

Wala ng inaksayang oras pa si Aling Nating mabilis ang kanyang mga kilos, sawakas ay nakuha rin niya ang krusifiks.

Akmang haharap na si Aurora kay Nating ay sinalubong na siya nito.

Plakkk,

Itinarak ni Nating ang matulis na dulo ng krusifiks sa dibdib ni Aurora, hinugot pa niya ito at maka ilang ulit na pinag sasaksak niya si Aurora,

Plak, plak, plak,  plak.......

Dahilan para ma wakwak ang dibdib nito.

Nanlilisik ang mga mata ni Nating habang tinitigan niya ang bangkay ni Aurora.

******

Makalipas ang ilang taon namuhay ng mag isa si Aling Nating, noon una ay parang ma babaliw siya pero hindi niya hinayaan mangyari iyon, tinangap niya unti-inti ang mga nangyari sa kanyang pamilya, at unti-unti niyang ibinaon sa limot ang bangungot ng kanyang nakaraan.

Wakas...

MAtakot ka sa kulam ( Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon