kabanata 4

5.9K 122 2
                                    

Kabanata 4

Naka labas na nang ospital  sina Aurora at ang kanyang Lola Barbara, dahil sa sinabi ng Doc., na pwide  silang  maka uwi ay sa bahay nalang nila ito patuloy na nag papagaling.

"Apo na saan na iyong damit? May damit kasi akung binili para sayo," tanong ni Lola Batbara.

"Opo Lola nakita ko ang ganda ng damit na binili mo, ikaw ha may pa surprise ka pang nalalaman, pero sa totoo lang na surprise talaga ako."

Ngumiti ng matamis si Lola Barba, at niyakap niya si Aurora.

"Mahal na mahal kita apo ko tandaan mo yan."

"Mahal na mahal din kita La." Sabay halik nito sa matanda.

Makalipas ang isang buwan buhat ng ma ospital si Lola Barbara, ay tahimik at masayang namuhay ang mag Lola sa kanilang munting tirahan,  kahit hindi sila ma pera nakakaraos naman sila sa araw-araw nilang pamumuhay, dahil sa pag sisikap ni Aurora para matustusan ang kanilang pang araw araw na gastosin.

"Lola dito ka kumuna  ha, iiwan muna kita dito sa bahay ng mag isa, ititinda ko lang itong mga gulay sa bayan. Naka handa na ang pag kain mo sa misa sakaling ma gutom ka."

"Salamat apo ko napaka swerte ko talaga sayo," sabi ni lola barbara. syempre naman, ikaw kaya ang Lola Barbara ko at ako anv pinaka mas swerte sa buong mundo dahil naging Lola kita, hindi mo ako pina bayaan kaya mahal na mahal kita Lola, lahat gagawin ko para sayo,  O siya nag drama pa tayo totoloy na ako para maka uwi agad ako,"

Kinuha ni Lola Barbara ang kamay ni Aurora at masuyo ni itong hinagkan.

"Sige mag ingat ka apo, hihintayin kita dito."sabi ng matanda.

Kumakamaway pa ito sa papalayong apo.

Pag dating ni Aurora sa bayan agad niyang inayos ang kaniyang mga panindang gulay sa maliit nilang pwesto sa palingke. Nag babasa ng diyaro si Aurora ng mga oras na iyon habang nag babantay sa kanyang mga panindang gulay wala pa kasing bumibili kaya nililibang niya ang kanyang sarili sa pag babasa ng diaryo. 

Alas kwatro nang hapon pa ang dagsa ng mga mamimili hangang gabii, marahil sa hindi na mainit kaya mas maraming mamimili sa mga oras na iyon.

Gabi na ng maubos ang mga panindang gulay ni Aurora, malakilaki ang kinita niya ng araw na iyon dahil sa marami siyang gulay na napitas kanina sa kanilang likod bahay.

Pagkatapos niyang mag ligipit sa kaniyang mga gamit ay namili siya ng bigas,ulam at iba pang mga pangunahing pangangailan nila sa araw araw.

Masayang masaya si Aurora, hindi na siya maka pag hintay na ibalita sa kanyang Lola na naubos ang kanyang panindang gulay at isa pa malaki ang kanyang kinita.  siguradong  masisiyanhan ang kanyang Lola dahil sa ibibili niya ito ng masarap na ulam.

MAtakot ka sa kulam ( Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon