Kabanata 23
Maagang gumising si aling nating, aalis kasi sila pupuntahan nila ang sinasabi ni ka sebyo na albolaryo sa san delfin, malayo layo din iyon kaya kinailangan niyang mag handa ng mga babaonin nila sa biyahi.
Bago paman siya
Tumungo sa kusina ay naisip niyang pumuntahan muna si tomas sa kwarto nito.Hindi paman naka pasok si aling nating sa kwarto ni tomas ay naka amoy siya ng mabaho, at naka amoy din siya ng malansa parang dugo.
Kinabahan si aling nating kaya dali dali siyang pumasok sa kwarto ni tomas.
Pag kapasok niya sa kwarto ay Napasigaw siya ng malakas sa kanyang nakita, na puno kasi ang katawan nito ng uod at sa tingin niya ay hindi na ito gumagalaw.
Napabalikwas naman ng bagon ang lahat,Narinig kasi nila na susmisigaw si aling nating
Anong nang yari? Bakit ka sumisigaw sabay sabay nilang tanong. Hindi naman makapag salita si aling nating at itinuro nalang niya ang kwarto ni tomas, habang umiiyak.
Pag pasok nila ay nagimbal sila sa kanilang nakita, halos hindi na makita ang mukha ni tomas dahil sa uod na untinunting kumakain sa kanya.
Walang silang nagawa sa oras na iyon kundi ang umiyak ng umiyak sa nangyari.
Ngunit hindi pa pala iyon ang kataposan ng kanilang pag hihinagpis.
Tinungo ni carmen ang kusina para kumuha ng tubig para kay aling nating. Ngunit bigla nalang siyang napasigaw ng malakas dahil nakita niya si katrena na naka bulagta sa sahig at wala ng buhay.
Narinig nilang lahat ang pag sigaw ni carmen kaya pinuntahan din nila ito agad.
Ngunit may mas kagimbal gimbal pa palang silang masasaksihan bukod kay tomas na binalot ng uod ang buong katawan.
Na pa ka brutal ng pagkamatay ni katrena.
Halos wala ng laman ang magkabilang hita nito, pati ang braso,wakwak ang tiyan habang naka labas ang bituka at naliligo sa sariling dugo.
Hindi nila alam ang gagawin sa mga oras na iyon, wala silang ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak, si sally na ina ni katrena ay hindi makapag salita, iyak lang siya ng iyak habang nakatitig sa kawalan.
Dinala muna nila si sally sa sala upang pakalmahin.
pina inom nila ito ng tubig nang saganon ay maibsan man lang ni sally ang sikip ng dibdib na kanyang nararamdam sa oras na iyon.
ano na ang gagawin natin ngayon takot na takot na sabi ni carmen, siguro nating uuwi nalang kami ng maynila. Parang hindi kami ligtas didto sa lugar natin.
Kung gusto ninyo sumama narin kayo samin don muna tayo sa maynila. Suhisteyon ni carmen sa kanila.
At sa tingin mo carmen hindi tayo matatablan ng kulam kung nandon na tayo sa maynila? Kahit saang lupalup pa tayo ng mundo kaya niya tayong patayin kung sino man siya, hindi tayo makakawala sa kulam kung hindi tayo mag hahanap ng lunas, lahat tayo ay mamatay kung hindi tayo mag hahanap ng panguntra, malamang hindi tayo makakatakas kung wala tayong gagawin, at ano? hintayin nalang natin kung sino na ang susunod.?
Ang sabi ni ka sebyo lahat tayo gusto niyang paghigantihan.
Ang hindi ko lang ma intindihan ay kung bakit? Hindi na ma pigilan ni aling nating ang maiyak.
Isang malaking pala isipan parin sakanila kung sino ang gumagawa nang ganon sa kanilang pamilya at kung bakit dinamay pa si katrena sa kanyang pag hihiganti.
Mas mabuting puntahan muna
natin yung albolaryo na tinutukoy ni ka sebyo sa san delfin baka sakaling matulongan niya tayo sabi naman ni mang kanor.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
Korkusa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?