Kabanata 7
Walang humpay ang pag iyak ni Aurora sa huling pamamaalam niya sa kanyang lola.
"Lola alam kung naririnig mo ako gusto kung malaman mo na mahal na mahal kita, ipina pangako ko sayo lola na mag hihiganti ako, mag hihiganti ako," nanlilisik ang mga mata ni Aurora at nag tagis ang kanyang bagang habang sinasambit niya ang mga katagang pag hihiganti.
Hindi na siya mag aabala pa na mag punta sa mga pulis dahil wala naman itong patutungohan pa, sa tulad nilang mahirap lang, mailap ang hustisya sa mga kagaya niyang walang pera. Kaya siya nalang mismo ang hahanap ng hustisya para sa kanyang lola.
"Wag kang mag alala sa akin lola mahirap man para sa akin ang mawala ka kakayanin ko ito dahil ikaw ang inspirasyon ko para mabuhay. Sa pag kakataong ito lola hindi na kita muling masisilayan pa dahil ililibing na kita, paalam lola barbara."
Patuloy parin ang pag agus ng kanyang mga luha habang binabalot ni Aurora ng isang kumot ang katawan ni lola barbara.
Pag katapos niyang ibalot sa kumot ang katawan ng kanyang lola ay dumeretso na siya likod nang kanilang bahay at doon nag umpisa siyang mag hukay.
Habang nag huhukay si Aurora ay wala paring patid ang kanyang pag iyak tila ba hindi na uubos ang luha sa kanyang mga mata nag halo na ang pawis luha at sipon na tumatagaktak sa bawat pag bungkal niya sa lupa.
Hindi tumilig si Aurora sa pag huhukay parang hindi ito na papagod ni hindi siya nag pahinga man lang, wala siyang paki alam kahit naliligo na siya sa kanyang sariling pawis.
Gabi na nang matapos ang kanyang paghuhukay, pumanhik siya sa kanilang kwarto at pag labas niya ay hilahila na niya nag bangkay ng kanyang lola, dahil sa bigat ng ng katawan nito ay hindi niya iyon kinayang buhatin kaya hinila nalang niya ito palabas ng kubo.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
Korkusa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?