kabanata 3

7K 161 2
                                    

Kabanata 3

Pag ka bangon ni Aurora ay dumeritso siya sa kanilang maliit na kusina,  iginala niya ang kanyang paningin ngunit hindi niya makita ang  kanyang lola barbara, may nakahain ng pag kain sa lamisa, ngunit tila hindi ito nagalaw.

Lumabas siya sa kanilang kubo upang tingnan ang kanyang Lola  sa  kanilang bakuran, baka kasi nasa upoan tumba-tumba lang ito at nag papahangin, yan kasi ang nakasanayan ng kanyang Lola pumepwesto ito sa kanyang upoan upang mag pahinga ngunit hindi  niya ito makita doon, nakaramdam siya bigla ng kaba nang hindi niya ito makita.

"Nasaan ka ba si Lola?" sabi niya sa kanyang sarili.

Nag lakad pa si aurora patungo sa kanilang likod bahay ngunit wala ring tao doon,  tinawag na niya ito ngunit walang  sumagot sa kanyang mga tawag. Sinilip na rin niya ang kanilang palikuran ngunit wala din doon ang kanyang Lola. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman. nag lakad siya upang hanapin ang kanyang Lola nang makadaupang palad niya ang kanilang nag iisang kapit bahay na si Aling Nating.

"Aling Nating nakita mo ba si Lola ko? wala kasi sa bahay pag gising ko. " Ay uo nakita ko parang papunta ata siya sa bayan."

"Ano?"Gulat na bulalas ni Aurora. "Bakit kamo siya pupunta nang bayan?" "Pasinsiyan ka na Aurora hindi kami naka pag usap."

"Basta nakita ko lang siya, sa bayan ata ang tungo non." "Sige Aling Nating ha salamat susundan ko nalang si Lola doon." Dali daling bumalik si Aurora sa kanilang kubo at nag bihis nang damit hindi na siya naligo dahil sa pag mamadali kinuha niya ang pitaka na naka silid kanyang lumang bag, bago siya umalis ay ni lock muna niya ang pintuan ng kanilang kubo at dali dali siyang umalis patungong bayan.

Kinakabahan parin si Aurora sa mga oras na iyon, "bakit ba kasi umaalis ka lola nang hindi nag papaalam," baka kung ano pa mangyari sayo sabi ni Aurora habang kinakausap niya ang kanyang sarili.

Pag dating niya sa bayan ay agad niyang hinanap ang kanyang Lola nag tungo siya sa palingke pag bakasakaling nandoon ito ngayon, at namimili nang mga kailangan nila sa bahay. Nag tanong tanong siya sa mga tindera at mga kargador doon ngunit hindi nila nakita ang kanyang Lola, pinuntahan niya ang mga kaibigan  tindera sa palingke ngunit hindi rin nito nakita ang kanyang Lola nag lakad lakad pa si Aurora sinuyod niya ang buong bayan, hangan sa na punta siya mga tindahan ng mga damit nakita niyang may pinag kakaguluhan ang mga tao, biglang bumilis ang kaba ng kanyang dibdib kay dalidali siyang sumugod sa mga nag uumpukang mga tao na naki osyoso.

Habang papalapit siya ay narinig niya ang pinag uusapan ng mga tao. "Kawawa naman ang matanda na sagasaan at tinakbuhan lang nang naka sagasa hay naku kawawang matanda."Bumangon ang kaba sa kanyang dibdib ng marinig niya ang usapan ng mga tao hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, nag dasal siya na sana hindi ang kanyang Lola ang pinag uusapan ng mga taong naki osyoso.

Laking gulat niya ng makita ang pinag kakaguluhan ng mga tao, ang kanyang lola dugoan. Humagulhol ng iyak si Aurora habang tinatawag ang kanyang lola,  "Lola Lola anong nangyari?" " Tumawag kayo ng ambulansiya."

Kinapa niya ang pulso nito laking pasasalamat niya dahil pumipitik pa ito, nasugatan ang noo nito sanhi ng pagdurogo, kaya hinimatay ito.

Dumating ang sasakyan ng barangay at doon isinakay ang kanyang Lola at dinala nila ito sa pinaka malapit na pagamutan.

Inasikaso agad nila ang Lola Barbara niya, habang nag hihintay si Aurora sa labas hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, pag may masamang nangyari sa kanyang Lola at bukod pa doon pino problema din niya ang babayaran sa ostipal.

Nang lumabas ang Doctor sa kwarto ay agad na sinalubong ito ni Aurora," ikaw ba ang kamag anak ng pasyinte?" tanong ng Doctor, "ah opo Doc ako po si Aurora ang kanyang apo."

"Aurora  sa ngayon ok na ang Lola mo pero kailang ninyo munang manatili dito pansamantala dahil naka dextros pa siya kailangan lang ubosin ang dextros."

"Nawalan siya nang malay kanina dahil sa labis na pagdurogo ng kanyang sugat pero ok na siya, hindi naman kailang salina siya ng dugo sangayon kailang lang ninyang mag pahinga, "sabi ng Doctor na tumingin sa kanyang lola, "Doc. Pwede naba kami maka uwi bukas sa bahay nalang mag pahinga ang lola ko kasi wala kaming pera pambayad sa ospital."

"Oo pwede nakayo maka uwi bukas wag munang alalahanin ang bayad sa ospital kasi sinagot na nang barangay."

" Ganon ba salamat naman," " oo Aurora wag kanang mag alala bantayan mo nalang ang lola mo Sige ho doc. Salamat po,"

" Sige Aurora mauna na ako," At nag paalam na ang ang Doctor na tumingin sa kanyang Lola Barbara.

Pumasok si Aurora sa silid kung saan naka pwesto ang kanyang Lola,  Nakita niyang na tutulog ito at na kadexstros, awang awa siya sa kalagayan ng kanyang Lola, wala man lang siyang magawa kung pwede lang niyang ako-in ang lahat ay ginawa naniya.

Habang naka upo sa tabi ng kanyang Lola ay tiningnan niya ang laman ng supot na hawak-hawak ng kanyang lola kanina.

Nang buksan niya ang supot ay isa itong damit na kasya sa kanya. "Damit?" Tanong ni Aurora sa kanyang sarili "at para saan to? anong okasyon ito talaga si Lola pa surpresa pa yan tuloy na disgrasya pa," umiling-iling nalang si Aurora pero sa puso niya ay natutuwa siya dahil sa nakikitang pag mamahal ng kanyang Lola sa kanya.

MAtakot ka sa kulam ( Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon