Kabanata 24
Hindi na tuloy ang kanilang biyahe papuntang san delfin ng araw na iyon. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari,
Nilakasan nalang nila ang kanilang loob at tinangap ang buong pangyayari sa kanilang pamilya.
Alas 8 nang umaga tinungo nila aling nating at carmen ang bayan, Inasikaso muna nang pamilya ang pag papalibing nina katrena at tomas.
Pagkabalik nila aling nating galing sa bayan ay kasama na nila ang mga tauhan ng punerarya na mag aasikaso sa mga patay.
Siya namang pagdating ni aurora.
Aling nating magandang umaga ho, ano pong nangyayari dito bakit may taga punerarya po? Tanong ni aurora.
Patay na si tomas at katrena aurora. Malungkot na sagot ni aling nating.
Walang kalaban laban silang pinatay,dagdag pa ni aling nating.
Ano? Kunwari na gulat si aurora pero sa luob niya ay na tutuwa siya sa nangyari.
Pinatay din ang lola ko na walang kalaban laban, sabi niya sa kanyang isipan. Hindi pa yan ang kataposan.
Nakikiramay po ako aling nating.
Salamat aurora.
Nang masuri nang taga puneraya ang mga bangkay ay sinabi nilang hindi na ito pwedeng i imbalsamo
dahil sa kalagayan ng mga ito.kaya napagkasundo an nilang lahat na ililibing nalang ito agad, at napagpasyahan nilang hindi nalang pag lamayan pa.
Kalat na sa bayan ang nangyari sa pamilya ni aling nating ang iba ay nagulat
At natakot dahil sa sinapit ng kanilang pamilya, at ang iba naman ay na kikiramay sa kanila.Walang oras na inaksaya ang pamilya ni aling nating, agad nilang ipinalibing sina sina tomas at katrena.
Bago paman nila ihatid sa huling hantongan ang mga patay ay idinaan muna nila ito sa simbahan at nag alay ng isang misa. Parakahit pano ay maging mapayapa ang kanilang pag lalakalbay patungo sa kabilang buhay.
Marami namang naki hatid at nakikiramay sa kanilang pamilya, mga kaibigan at malayong kamag anak.
---***---
Samantala si aurora naman ay hindi na sumama sa pag libing nag presinta kasi siya na mag bantay ng bahay.
Walang ka alam alam ang buong pamilya ni aling nating na si aurora ang may ka gagawan ng lahat ng iyon.
Nasa labas ng bahay si aurora ng oras na iyon tahimik ang buong kapaligiran dahil sa wala ang mga tao, siya lang mag isa.
Magagawa ko na naman kung ano man ang nais kung gawin nang hindi ninyo na lalaman sabi ni aurora sa kanyang isipan habang ngumisi ng makahulogan.
Naka tayo si aurora sa gilid ng bakuran nila aling nating habang hawak hawak niya ang isang manika at karayom, naka tayo siya sa ilalim ng punong kahoy, habang nililipad lipad ng hangin ang kanyang mahahabang buhok.
Kasabay nang pag ihip ng hangin ay siya namang pag galaw ng mga labi ni aurora habang gumagalaw ang kanyang mga labi ay siya namang pag labas ng mga kataga na siya lang ang nakaka alam kung anong ibig sabin, parang i binubulong niya ito sa hangin, habang nilaro laro niya ang manikang kanyang hawak.
---***---
Habang nasa kalagit naan sila ng pag libing sa kanilang mahal sa buhay ay walang humpay ang pag agos ng kanilang mga luha halos himatayin si sally sa ka iiyak dahil hindi siya maka paniwala sa kinahahantungan ng kanilang bakasyon sa probinsiya.
Kahit na pilya si katrena ay mahal niya ito.
Nang tabonan na ng lupa ang mga kabaong ay tuloyan ng hinimatay si sally.
Tarantang binuhat ni james at jovan ang kanilang ina, dinala nila ito sa sasakyan, inasikaso naman ito nina carmel at carol na anak ni aling nating, pinay payan ni carmel si sally habang si carol naman ay hinilot hilot niya ang kamay nito. ng mahimasmasan na si sally ay pina inom nila ito ng tubig ngunit hindi parin ito tumigil sa kakaiyak.
Habang nag patoloy sa pag papaypay si carmel ay bigla nalang niyang binitiwan ang pamaypay at sinapo niya ang kanyang bibig, bigla nalang kasi siyang naka ramdam ng mamanhid sa mukha niya at bigla nalang nanigas ang kanyang dila.
Anong nangyari sayo? Tanong ni carol.
Uuhhhmmmm... habang tumotulo ang kanyang luha, hindi na ito maka pag salita, at ng tangalin ni carmel ang kanyang kamay sa kanyang bibig ay nakita ni carol na tabingi na ang mukha ni carmel.
Dyos ko anong nangyayari sayo ? Uuuhhhmmmm tanging ungol lamang ang isinagot ni carmel kay carol.
James puntahan ninyo ang tito at tita ninyo para maka uwi na tayo ng bahay sabihin mo may nangyari kay carmel dali. Utos ni carol sa kanyang pinsan.
Patakbo namang pinutahan ni james ang kanyang tito at tita na sina mang kanor at aling nating na nooy nasa puntod nina tomas at katrena. Nag alay noon ng isang panalangin si aling nating sa kanyang anak at pamangkin.
Tito tita tawag ni james hali na daw po kayo uuwi na daw tayo kasi may nangyari kay ate carmel.
Bakit anong nangyari kinakabahang tanong ni aling nating.
Ewan ko po basta hindi po siya makapag salita nandon po siya sa sasakyan ngayon sagot ni james.
Pag dating nila aling nating sa sasakyan ay nakita niyang umiiyak ang kanyang anak at umungol lamang ito ng makita siya.
Ano bang nangyari sayo?
Anong nangyari carol bakit nag ka ganyan ang kapatid mo? Tanong ni aling natingHindi ko alam bigla nalang tumabingi ang mukha niya tapos hindi na siya maka pag salita. Parang na paralize yung mukha niya.
Hay nako sunodsunod nalang ang mga problema natin.
Dadaan muna tayo sa hospital sa bayan e pa check up muna nating si carmel baka high blood siya, para narin makuhanan siya ng blood presure, sabi ni aling nating.
pag dating nila sa hospital ay agad na sinuri ng doctor si carmel. Kinuhanan siya ng blood presure, normal naman ang daloy ng kanyang dugo.
Pina lab test din ito, at ok lang naman ang resulta normal at walang anomang sakit na nakikita.
Kaya nag duda na sila na baka kinulam si carmel.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
हॉररsa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?