kabanata 1

10.7K 209 3
                                    

Kabanata 1

Umaga iyon ng datnan ni Aurora ang kanya Lola Barbara na nililigpit ang kanyang importanteng mga gamit,

"Lola ano yan?" Tanong ni Aurora sa kanyang Lola, "ah ito ba? Mga gamit ko ito sa barang,"mahinang sagot nang kanyang lola.

Alam ni Aurora na mambabarang ang kanyang lola pero matagal na itong tumigil. Kilala ang kanyang Lola sa kanilang lugar bilang isang mangagamot o albolaryo.

"Aurora alam mo naman na matanda na ako, gusto kung ikaw ang mag mamana sa aking mga gamit at dasal, hindi ko sinasabi na maging masama ka o gamitin ito sa kasamaan, gusto ko lang ay may pang laban ka, kung sakaling may aagrabyado sa iyo."

"Matanda na ako Aurora, hindi na kita maipagtatangol kung wala na ako, Mapag laro ang mundong ginagalawan natin kaya  hindi natin masasabi kung sino ang masama o hindi."

"Lola naman para kang namama alam na, halika na sa kusina at kakain na tayo,"  hindi ako nag bibiro Aurora!" Uo na alam kung wala kanang ibang ipamamana sakin kundi iyan lang,"pabirong sagot ni Aurora.

Bata palamang si Aurora ay ulila na siya,tanging ang kanyang Lola Barbara na ang nag aalaga sa kanya simula nung sangol palang siya, namatay kasi ang kanyang ina noong ipinanganak siya, samantalang ang kanyang ama naman ay nag karoon nang ibang pamilya. Kaya si Lola Barbara na ang itinuring niyang ina. Tinaguyod siya nang kanyang lola hangan sa makatapos siya nang high school. Gipit man sa pera ay nakakaraos din sila, paminsan minsa pumupunta si Aurora sa bayan upang mag tinda ng gulay, Na nakukuha nila sakanilang bakuran.

Gusto na sanang mag trabaho ni Aurora, gusto niyang makipag sapalaran sa maynila ngunit hindi niya maiwan ang kanyang Lola. Mahal na mahal niya ito kaya kahit gustohin man yang umalis ay hindi niya magawa.

Habang kumakain sila, "Aurora sabi nang kanyang Lola Barbara isasagawa natin ang pag sasalin ko nang dasal sa nalalapit na kwaresma, kailangan nating gumawa ng ritwal para maging isa kang ganap na mang kukulam, sayo ko ihahabilin ang aking mga dasal para maging ipektibo ang gagawin mong kulam.

"Kung sakaling may aapi man sayo apo may pang laban ka, wag kang mag papa api sa mga taong mapanghusga."

May galit na nabuo puso, ni Aurora habang inalala niya ang nangyari sakanila noon. Naalala niya ang hirap na kanilang pinag daanan nang mga oras na iyon, naalala niya kung paano sila pinag tabuyan at hinusgahan nang mga tao, kaya disidido siyang tanggapin ang gustong ibigay ng kanyang Lola sa kanya, gusto niyang matutung mangkulam,at disidido siyang matuto. Alam ni Aurora na mahal na mahal siya nang kanyang Lola dahil kapakanan parin niya ang iniisip nito.

Lumipas ang mga araw at buwan sawakas ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Lola Barbara,

Araw nang Byernes Santo, ito ang araw na nakatakdang pag lipat niya sa kanyang itim na mahika. Sa kanyang nag iisa at pinaka mamahal niyang apo. May ngiti sa labi na pinag masdan niya ang kanyang mga gamit na nakasilid sa isang maliit na carton. Gamit na pinaka iningatan niya nang mahabang panahon.

Nag init muna nang tubig at nagsaing si Lola Barbara para sa kanilang alamusal. Habang nakasalang ang kanyang niluluto ay inayos niya ang kanyang mga gamit na gagamitin nila sa ritwal mamayang gabi. excited na excited ang matanda nang araw na iyon kung pwede lang niyang hilahin ang oras ay ginawa na niya.

Nang magising si Aurora ay nakita niya ang kanyang Lola na maaliwalas ang mukha,talagang makikita mo sa kanyang mukha ang saya.

" Magandang umaga po Lola" bati niya sa matanda "o gising kanan pala apo napasarap ata ang tulog mo,."

"Uo nga eh!" Tugon naman ni Aurora sa matanda, "oh siya sige ihanda muna ang lamisa naka pag luto na ako."

Nang makapag hain na si Aurora ay sabay silang nag salo sa kanilang almusal.

"Siyanga pala Aurora" sabi ng kanyang Lola ngayong araw tayo mag sasagawa nang ritwal kaya ihanda mo ang iyong saril."

" Upo Lola" sabay  tango niya sa kanyang Lola.

Pag katapos nilang kumain ay lumabas si Aurora sa kanilang kubo at lumanghap nang sariwang hangin. Habang si Lola Barbara naman ay busy sa pag liligpit nang mga gamit na gagamitin nila sa mamayang gabi.

Nilamon ng kadiliman ang buong paligid habang sina Aurora at ang kanyang Lola ay nag hahanda.

Nang matapos na silang mag bihis ay tinungo nila ang seminteryong malapit sa bayan kung saan nila isasagawa ang ritwal.

MAtakot ka sa kulam ( Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon