kabanata 5

5.3K 116 6
                                    

Kabanata 5

"Lola, lola nandito na ako medyo malaki laki ang kinita ko ngayon kasi na ubos ang mga paninda ko. Kaya bumili ako nang masarap na ulam,"

Derederetso lang si Aurora sa kanyang pag pasok sa kubo dumeretso siya sa kusina,  habang masayang kinikwento sa kanyang lola ang pagkaubos nang kanyang mga panindang gulay. Habang nag kukuwento ay busy din siya sa pag hahain ng kanilang haponan.

"Alam mo Lola ang daming tao sa bayan kanina, kaya alas sais palang ubos na ang mga paninda ko syempre sariwa kasi ang mga gulay ko kaya ayon ubos agad."

Pag katapos niyang maayos ang lamisa ay pinanhik niya ang kaniyang Lola Barbara sa kwarto na karugrong lang ng kanilang kusina.

"Lola halika na masarap ulam natin ngayon, bumili ako ng masarap na ulam para sayo," sabi ni Aurora sabay pasok sa kwarto nila.

Pag ka pasok niya sa kwarto ay madilim iyon "lola bakit hindi mo binuksan ang ilaw sa kwarto," sabay pihit niya sa switch ng ilaw, laking gulat niya sa kanyang nakita.

Ang kanyang lola naka bulag ta sa kama at wala ng buhay, nag kalat ang dugo sa kama at sahig, gulo ang ang buong kwarto, biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib hindi niya maintindihan ang nangyari at kung bakit ng yari iyon. Nilapitan ni Aurora ang kanyang Lola Barbara at at niyakap niya ito habang umiiyak.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon, ang daming tanong na nabuo sa kanyang isipan. Tanging pag iyak nalang ang kanyang kayang na gawa sa mga oras na iyon.

"Lola bakit? sino ang may gawa sayo nito,?" habang yakap yakap no Aurora ang wala ng buhay niyang  lola.

Basi sa nakita ni Aurora sinaksak ang kanyang lola dahil sa marami siyang nakitang saksak sa parte ng katawan nito at may hiwa pa sa liig na siyang hinala niyang ikina matay nito. Lumukob ang galit at poot sa puso ni Aurora dahil sa nangyaring brutal na pag kamatay ng kanyang pinaka mamahal na lola Barbara, Hindi niya ma papatawad ang sinumang gumawa nito.

MAtakot ka sa kulam ( Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon