Kabanata 27
Pag ka rating nila sa bahay ay hindi parin mapakali si aling Nating iniisip niya ang sinabi ni ka Tonyo.
Ano ang nagawang kasalan ni Tomas? At bakit niya ito inilihim samin.
Bigla nalang na alala ni aling Nating nung nakita niya si Tomas na balisa.
Siguro nga may nagawa siyang kasalan nang makita ko siyang balisa.
Kung si Aurora ang tinutukoy ni Ka Tonyo bakit wala siyang sinabi sakin?
Kailangan kung maka usap si Aurora sabi ni aling Nating sa kanyang isip.Kina umagahan tinungo ni aling Nating ang bahay ni Aurora para tanongin ito kung may nagawa bang kasalan si tomas sa kanya.
Ngunit pag dating niya sa kubo ni Aurora ay tila ba walang tao sa luob, pero nag bakasakali parin si Aling Nating kay tinawag niya si Aurora.
Aurora, Aurora, sabay katok niya sa pinto nang kubo ngunit walang sumagot, kaya umalis nalang siya.
******
Nag daan ang mga araw ay wala nang nangyaring masama sa kanilang pamilya kaya na pag pasayahan na nina Carmen at Sally na umuwi muna sa Maynila kasama ang mga anak ni aling Nating na sina Carmel at Carol, nag pasya silang sa maynila nalang muna sila habang hinihintay nina Sally at Carmen ang flight nila pa uwi ng germany.Magaman ay hindi pa masyadong magaling ang mukha ni Carmel, ay nag pasya na rin siyang sumama sa kanyang tiyahin para doon nalang sa kanila magpagaling.
----****----
Nag impaki na ang mga ka patid ni Aling Nating pati na rin ang kanyang dalawang anak at pamangkin.
Aalis na sila sa lugar kung saan naka ranas sila ng isang malaking bangungot.
Naging emosyonal naman si aling nating, dahil uuwing sawi ang kanyang mga kapatid.
Kung hindi sana kayo pumarito hindi sana mangyayari sa inyo ito sally, na damay pa kayo sa kasalan ni tomas sana hindi nalang kayo pumarito wala sanang masamang nangyari kay katrena andito pa sana siya ngayon. Lumuluhang saad ni aling Nating.
Walang may gusto sa nangyari Nating, kaya wag mung sisihin ang sarili mo siguro may dahilan ang lahat kaya nangyari iyon kailangan nalang nating tangapin mahirap pero kailangan nating tangapin ang ka totohanan kailangan nating mabuhay sa kasalukoluyan hindi sa nakaraan.
Wag mo nang isipin ang mga masamang nanyari sa pamilya natin dahil walang magandang ma idudulot iyon sa ating pamilya.
Pilit na pinatatag ni Sally ang kanyang sarili, pinilit niyang hindi mag pa apekto sa mga masasamang nangyari sa kanilang pamilya.
*****
Kina bukasan naghanda na Sila sa kanilang pag alis sa bayan ng sanroque.Anong oras ba kayo babyahe tanong ni aling Nating kay Carmen na abalang abalang sa pag hahanda sa kanyang mga dadalhing camote at saging.
Mamayang hapon pa kami aalis tugon ni Carmen.
******
Samantala kinuha ni Aurora ang tatlong itim na kandila at itinirik niya ito sa altar namay imahi ng mga nakakatakot na mukha at may mga sungay. Hindi niya sindihan ang kandila itinirik niya lamang ito sa altar pagkatapos ay lumuhod sa harapan ng mga nakakatakot na imahi at taimtim na nag dasal pikit ang kanyang mga mata at naka dipa ang mga kamay.
Oh ama ng kadiliman ako ay muling yumuyukod sa iyong harapan upang i alay muli ang aking kaluluwa para sa isang kahilingan.
Aking panginoon tulongan ninyo akung ubusin ang angkan na pumatay sa aking pinaka mamahal lola, tulongan mo akung ubosin silang lahat. Kasabay noon ay ang pag ilaw sa tatlong itim na kandila, palatandaan iyon na dininig ng diablo ang kanyang pag susumamo.
Wala kahit kunting awang naramamdaman si Aurora dahil ang puso niya ay tila ba manhid na dahil sa galit at puot na sumasakop sa kayang buong pag katao.
Salamat aking panginoon sa pag dinig mo sa aking kahilingan hinding hindi kayo mag sisi saiyong pag tulong sakin saad ni Aurora.
BINABASA MO ANG
MAtakot ka sa kulam ( Complete)
Horrorsa panahon ngayon may na tatakot pa ba sa kulam?? ikaw? natatakot kaba sa kulam?