Den's POV
Today is rest day, nag usap kami ni Aly yesterday na pupunta siya dito sa bahay to hangout with me. Inupdate niya naman ako kanina, sabi niya papunta na siya. So, here I am, waiting sakanya dito sa living room. Anyway, lately napapansin ko na hindi na nag-aaway yung parents ko pag nandito sa bahay. World peace na ba ito? Si Jus, wala siyang binabanggit dahil alam niyo naman yon, sobrang busy sa buhay. Nag INTARMED kasi. Ako? Heto, pachill-chill parin. Ine-enjoy ang college days.
Anyway! May pumipindot na sa doorbell, sure ako si Aly na yon. Pinapahiram ko nga sakanya kagabi yung susi ng gate kasi sabi ko baka di ko siya mapansin, pero sabi niya, magdo-doorbell daw siya ng paulit-ulit. Ang kulit di ba? Lumakad ako papunta sa gate at binuksan yon. Nagulat naman ako nung nakita ko si Yeye instead of Aly.
"Ye! Napadaan ka."
"Ay oo, drop ko lang 'tong pinabibigay ni Mommy." Sabi naman niya at may inabot na naka paper bag.
Tinanggap ko naman yon, mamaya ko nalang iche-check yung laman.
"Thank you! Pasok ka muna?"
"Hindi na, pupunta pa ko kay Ella. Sabi ni Mommy pala, paghatian niyo nalang ni Jus yan. May name niyo rin naman daw yung iba." Sabi ni Yeye at nginitian ako.
Napangiti rin ako. Yuuup! Close kami sa parents ni Yeye, kaya pag nag a-abroad sila, pagbalik dito, lagi kaming may pasalubong. Maya-maya, sumakay na si Yeye sa kotse niya. Nakita ko naman si Aly na kabababa lang ng kotse niya.
"Open ko yung malaking gate, dito ka na sa loob mag park." Alok ko kay Aly.
"Hindi na. Dito nalang sa labas." Sabi niya.
"Sure ka? Wala bang mawawala diyan?"
"As if naman may magnanakaw sa exclusive subdivision?"
"Meron. Siyempre?" Natatawa kong sabi.
Siraulo yata to? Masyadong tiwala sa guards sa may entrance ng subdivision.
"Okay na yan. May dashcam naman yan tsaka may cctv naman kayo sa gate." Sabi niya pa.
Di na ako nakipagtalo at isinama na siya papasok sa bahay. Oo nga pala, kaming dalawa lang ngayon dito. Oh, ano na naman? Wala? Sinabi ko lang.
"Kumain ka na?" Tanong niya sakin.
Naupo kami sa sofa.
"Hindi pa, ikaw ba? Gusto mo magpa deliver nalang tayo."
"Hindi na, magluluto nalang ako. May laman naman siguro ref niyo?" Sabi niya.
"Oo meron naman, kagagaling lang ni Ate Lan sa grocery kahapon." Sabi ko naman.
Si Ate Lan, siya yung cleaning lady namin dito sa bahay. Hindi siya nag i-stay dito dahil thrice a week lang naman siya need dito. Siya rin yung in-charge sa pagbili ng groceries every week. Anyway, kaya hindi stay-in si Ate Lan kasi nga, wala rin namang gaanong need gawin dito sa bahay, linis lang tapos check lang ng stocks, magplantsa ganern. Di naman siya nagluluto kasi pag umuwi na yung parents namin, si Daddy ang nagluluto ng dinner, tapos minsan si Jus pero most of the time, sa labas ako kumakain.
"So, anong iluluto mo?" Tanong ko.
"Carbonara?"
