Den's POV
Nasa living room lang ako ng bahay nila Aly. Nakita ko kanina si Tito, papunta siya sa therapy session niya. Anyway, kinausap ko pala si Aly if he wants to undergo therapy rin pero he refused kasi okay lang naman daw siya. Hindi ko na ipinilit, ayaw ko namang mag-away na naman kami. Hindi naman kami nagkaka sakitan pag nag-aaway. Hindi lang kami nag-uusap ng ilang araw.
"Den." Aly called me at naupo dito sa sofa, sa tabi ko.
"Yes? You need anything, love?" I asked.
"Nothing. May plans ba tayo today?"
"You want to go out?"
"Ikaw? Ano ba gusto mo gawin?"
Sumiksik ako sa chest niya, niyakap niya naman ako. Ha! It really feels good.
"Gusto ko lang mag cuddle." Sabi ko naman.
"Okay, let's cuddle." He said.
"I'm curious." I said.
"With?"
"I know nag-usap na tayo about not having kids or not getting married in the future. Pero hypothetically, magka anak tayo sa future, ilan gusto mo?"
"Dalawa o kaya apat."
"Wow. Ang bilis mo sumagot ha?"
"Nasa isip ko na kasi yan dati. Bago pa kita makilala. Sabi ko, if mag-aasawa ako, and magkaka anak kami, gusto ko dalawa or apat."
"Eh paano na yan?"
"Den, it's okay. Kung anong gusto mo yun ang masusunod."
"I know. Thank you, Ly."
"Para saan naman?"
"Para sa pagiging understanding mo sa akin." Sabi ko at nag peck sa lips niya.
"It's okay, Den. I love you."
"I love you, too." I said.
We stayed here sa living room. Cuddling and bickering. Inaasar lang ako ni Aly most of the time.