Den's POV
Nagdecide kami ni Aly na i-meet ko na yung Dad niya. Sabi ko nga yung mommy niya muna, pero sabi ni Aly, easy level lang daw yung Dad niya. Ewan ko ba dito. Easy level pa ha? Anyway, naiwan ako mag isa dito sa bahay dahil ipinatawag siya saglit sa office. Nakakatakot naman dito. May maids sila pero tatanungin lang ako kung nagugutom ba ako? May gusto ba akong kainin? Nauuhaw? Mga ganon lang.
"Good evening, Sir Martin." Bati nung maids sa lalaki na kapapasok lang.
"Oh, who's visitor are you?" He asked referring to me.
Nandito kasi ako sa living room inaantay si Aly. Sabi niya kasi saglit lang siya.
"I'm Dennise po, Aly's girlfriend." Pakilala ko.
He looks at me and smiled, he looks amused.
"Girlfriend? Oh, I see. Follow me?" He said.
Natakot naman ako. Like wtf? No choice naman ako kung hindi sumunod sakanya. Nakarating kami sa garden. Nauna siyang maupo dito sa may set, inoffer niya namang maupo ako and yun nga ginawa ko.
"So, you're my son's girlfriend?" Tanong niya.
May dumating naman na maid at nilagay sa table yung baso na may kape.
"I hope you drink coffee." Sabi niya ulit.
"Yes po, sir."
"Sir?" He chuckled.
I stayed silent. Watching every move.
"I know you're scared. Pero I won't hit you." Sabi niya.
"May I ask po? Bakit niyo yon ginagawa kay Aly?" Mahina kong tanong.
Napatingin naman siya at umiling-iling.
"When Aly was a kid, I always had my doubts."
"Doubts?"
"Yes. My ex wife, she had so many relationships. One after another. Mabilis magpalit. She dated almost everyone until she met me. We decided to get married. I forced her actually kasi may mga nababalitaan parin ako na she's entertaining some guys. Akala ko pag kasal na kami, titigil na yung doubts ko. Then, nabuntis yung mommy ni Aly, alam kong akin yon. But my father, Aly's grandfather, lagi niyang sinasabi na hindi sa akin si Aly. Noong pinanganak si Aly, ayaw ng Mommy niya na ipa-DNA test namin siya. So, lalo akong naghinala. Mas nakinig ako sa Dad ko. When Aly was growing up, I've been observing him. His features, his mannerisms, the way he talks, the way he thinks. Alam ko naman na may namana sa akin si Aly but I chose to be blinded and nakinig sa Dad ko. So, everytime na makikita ko si Aly, pumapasok sa isip ko yung sinasabi ng Dad ko, kaya lagi ko siyang nasasaktan." Kwento niya at uminom ng kape niya.
"Pero nagpa DNA Test na po kayo?"
"Oo, and match kami." He said.
Napatingin naman ako. Bakit ganon? Ano namang kinalaman ni Aly noon diba? Pero bakit hanggang ngayon, sinasaktan niya parin?
"I know, you're still wondering kung bakit sinasaktan ko parin si Aly? Nasanay lang ako and everyday, nagi-guilty ako. Noong bata siya, iiyak lang siya tapos iiwas sa akin ng ilang araw. Pero noong lumaki na siya, wala na akong nakikita sakanya. After beating him up, parang wala nalang sakanya, and I know, kasalanan ko. That's why I'm trying to be better. In fact, magpapa therapy na ako next month." Sabi niya.