Den's POV
Nasa bahay ako ngayon kasi summer break pa. Gusto ko na ngang gumala eh, wala naman akong maaya. Si Ella kasi may Summer Class. Ewan ko ba don. Sana pala nag Summer Class nalang din ako. Pero kasi, ayaw ko rin naman kasi sabi ko, gusto ko magpahinga lang muna. Teka nga, tawagan ko si Aly. Sana hindi naman 'to busy no?
Ringing....
Tagal sumagot ha! Hanggang ngayon ringing parin.
"Hello?"
"Great!" I said nung sinagot niya yung tawag.
"What do you want?"
"Busy ka?"
"What?"
"Don't lie. Busy ka ba?"
"No. Medyo?"
"Ano ba talaga?"
"Medyo lang. Why ba?"
"Saan ka?"
"Sa hospital?"
"Ginagawa mo? May masakit ba? Puntahan kita, magdadala akong fruits." Tarantang sabi ko.
"Ha? I'm okay, you're dumb. Nag iikot lang kami kasama yung investors. If wala ka naman need, ibaba ko na 'to."
"You. I need you."
"Why?"
"I'm getting bored here."
"I'll call you later, tapusin lang dito." Sabi niya.
"Okay! Iintayin ko yan ha!"
"Oo na. Inaantay na nila ako." Sabi ni Aly.
Inend ko na yung call. Ayoko namang kulitin siya lalo na't about sa business nila yung inaasikaso niya and ayoko rin namang ako yung maging reason para ma-provoke yung Dad ni Aly, alam naman natin yung personality ng Dad niya, diba?
---
Nagising ako dahil nagri-ring yung phone ko. Sinagot ko naman agad yon."Hello?" I said with my bedroom voice. Shet.
"I-uhm. Hello? Sorry, nagising ba kita? Go back to sleep."
"No, wait. Inaantay nga kita." Pigil ko sakanya at tinignan yung oras sa bedside table ko.
6 pm na pala? Grabe? Ngayon lang natapos? Ganon ba kalaki yung hospital nila para abutin sila ng ganitong oras? Kasi alam ko, around 10 am kami nag usap.
"I see. Sorry natagalan. Nag-aya pa kasi ng dinner si Dad sa mga investors, hindi naman pwedeng umalis ako."
"Hmm. Nabusog ka naman?"
"Honestly? No. All I did was to pour them alcohol tapos drink with them..." He sighed.
Napabangon naman ako.
"Saan ka? Puntahan kita."
"Wag na. Ano ka ba? Gabi na. Nag dinner ka na ba?"
"Hindi pa ko nag dinner kaya tara na."
"Okay naman ako, Den."
"Aly? Anong okay? Uminom ka ng hindi manlang kumakain. Hindi ba sumasakit yung tiyan mo?"
"I'm okay, nothing to worry."
"Kahit na! Let's eat."
"Do you really want to see me that bad? Okay, maliligo lang ako then susunduin kita." He said.