Den's POV
Years passed, parehas na kaming doctor ni Aly. Ako? Isa na akong Obstetrician-Gynecologist. I smiled nung maalala ko yung reason kung bakit ako nag decide maging Obstetrician. It's because of Aki. Aki was our baby, Aly and I. Yes, akalain niyo yon? Nakabuo kami but we lost our angel. Aly was super excited when we found out. Una takot ako eh. Kasi nasa med school pa kami tapos wala rin naman sa plano ko yung magkababy, pinapili pa nga ako ni Aly if itutuloy ba namin yung kay Aki or ia-abort ko. Anong pinili ko sa tingin niyo?
Siyempre-hindi namin inabort. Why? Because of Aly, the way he smiled, the way he assured me na everything will be fine as long as we have each other. That's the only reason for me to continue, for us to continue the pregnancy, but you know? Siguro hindi talaga para sa amin kasi I had a miscarriage. Because of my mom. She was so furious noong nalaman niya na she ended up confronting me, by that time nag i-stay na ako sa bahay nila Aly para nga maalagaan ako. Fault ko rin naman kasi bigla nalang nilang nalaman, like di manlang kami nagsabi. Pero hindi naman enough yung reason na galit siya to cause harm sa akin at sa baby. It's still fresh in my memory. Kung paano ako itulak ni Mommy at yung impact ng pagkaka upo ko sa sahig then the blood... That's the time that I know na wala na kaming magagawa to save our angel. Aly was not around noong mga oras na yon kasi I told him to buy me some fruits.
"Are you busy?" Aly asked.
"No, hindi naman." I said.
Pumasok siya dito sa clinic ko, si Aly nasa General Surgery siya. Naupo siya sa sofa kaya tinabihan ko siya.
"I'm so tired. Grabe, baka di ako maka uwi mamaya and dito nalang ako matulog." Sabi niya at niyakap ako.
Noong nasa ospital kami ni Aly, the time that we lost our angel, he was devastated. Parehas kami. Kasi, kung kailan ang saya na namin, things gets fucked up. I blamed myself and my mother because of that. Edi sana, may 5 year old kid na tumatakbo na sa bahay and igi-greet kami tuwing uuwi. We named our kid Aki kahit di pa namin alam yung gender, why? Kasi excited kami eh.
"What's wrong? Kumain ka na ba?" He asks.
"I just miss Aki." I said.
"Den..."
"I know. It's not my fault." Sabi ko.
Yes, that's what Aly told me noong nagc-cope up palang kami. Na it's not my fault, na ganon lang talaga. Na baka hindi pa talaga time magkaroon kami ng baby. Tapos, he always make sure to make me feel better.
Anyway, hindi pa namin napag uusapan yung pagkakaroon ng baby ulit. Unang-una, busy kami parehas.
"Let's have lunch together, hmm?" He said.
I kissed his cheeks. Why are you so patient with me, Ly?
"I love you, Den."
"I love you, too." I said.
Lumabas kami ng office ko para pumunta sa cafeteria nitong hospital. Anyway, dito kami sa bagong hospital nila Aly nagwowork. Yung Daddy na ulit ni Aly ang naghahandle. Nameet ko na yung Mommy ni Aly, nung first time? Napaka unpleasant ng meeting namin. She keeps on saying foul words about Aly, na he'll end up like his Dad. Sa sobrang inis ko nga, I told her na wala akong pakialam if ever Aly ends up like his father pero I'm sure na I won't end up like her. Yun yung nagpatahimik sakanya.
"So, anong menu ngayon?"
"Hmm. Fried chicken and mushroom soup." Sabi ni Aly.