Den's POV
It's weekend and nandito na si Eros. Hinatid kagabi ni Brent. Katabi namin matulog si Eros kagabi and now, tulog na tulog parin ang baby. Pati na rin itong big baby na isa. Akala ko ba may conference sila? Tinignan ko yung orasan sa bedside table. 4 am na pala. Sabi niya kasi gisingin ko siya ng 4.
"Aly?" Tawag ko.
"Aly, hey. May conference ka pa." Tawag ko ulit at tinapik yung balikat niya.
"Aly. Male-late ka na."
Dahan dahan lang ako dahil nasa gitna namin si Eros, ayoko namang maistorbo yung pagtulog
Maya-maya nagising na si Aly. Pagod na pagod siguro 'to. Late na siya naka uwi eh. Mga 2 am. Maaga ako nakauwi kahapon kasi clinic lang naman ang schedule ko kapag friday, bibihira rin yung ipapatawag ako kasi may manganganak. Marami rin kasing OB sa ospital, lima siguro kami. Marami na yon ha, compared sa kabilang branch na tatlo lang ang OB.
"Magpa drive ka nalang. Para makatulog ka parin sa biyahe." Sabi ko at bumangon na.
Hinarangan ko ng unan yung mga gilid ni Eros para di siya mahulog sa kama.
Ipaghahanda ko muna ng breakfast si Aly para di naman siya magutom doon. Pumasok na sa cr si Aly kaya nagluto na ako ng fried egg, hotdog, bacon, nag brew na rin ako ng coffee niya. Anyway, dito kami nakatira sa bahay ng Dad ni Aly. Naisip ko rin kasi na pag umalis pa kami, wala ng kasama si Tito sa bahay tsaka ang mahal kasi bumili ng bahay ngayon. Yung sahod ni Aly, binibigay niya sa akin basta raw bigyan ko siya ng pang gas niya. Magkaiba kami ng kotse na ginagamit kasi di naman kami sabay pumapasok at umuuwi, minsan mas nauuna siya pumasok dahil sa mga surgery na naka sched tapos siya rin pinaka huling uuwi.
"Ang dami mong niluto. Sabayan mo na ako." Sabi ni Aly na ngayon ay naka bihis na.
Natuto ako magluto dahil kay Aly, tinuturuan niya ako noong nag me-med school pa kami, para na rin siguro di ko maisip si Aki. Effective naman kasi naka survive ako at natigil na ako sa pag iyak, pero minsan, di talaga maiiwasan yon.
"Okay. Sino mag d-drive sayo?" Tanong ko at ipinagsandok na siya ng pagkain.
"Thank you, Den. Sinabihan ko na nung nakaraan si Lucas." Sagot ni Aly at kumain na.
Naka black polo shirt lang siya at black jeans tapos rubber shoes.
"Di ka ba magt-talk sa conference?"
"Magsasalita naman."
"Bakit ganyan suot mo?" Tanong ko.
Kumakain na kami parehas. Di kasi maka kain 'to ng walang kasabay eh.
"Mas comfortable suotin 'to, tsaka saglit lang naman ako magsasalita doon. Ganito naman lagi kong suot, depende nalang kung may dresscode."
"I see. May sasabihin ka ba?" Tanong ko dahil kanina pa siya tingin ng tingin.
"I love you."
"I love you too. Pero ano ba 'yon? Sabihin mo na."
"Hmm. Buntis si Sam." Sabi niya.
Napatitig naman ako sakanya. So, ano? Makikipag break ka ba? Ikaw ba ama? Gusto kong itanong eh!
"Okay?"
"I—she wants to meet you." He said.
Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya. Ano daw? Bakit ako? Ano bang kinalaman ko? Kasali ba ako nung ginawa nila yon? Pero... I am hurt. Totoo. Walang halong biro.
"Anong balak mo?" Tanong ko.
"Anong balak? Wala."
"I see. Kailan ko siya need i-meet?"
"Monday." He smiled at me.
May gana ka pang ngumiti ha?! Eh kung sampalin kita ngayon? Nanghihina ako, bwisit ka. Ang aga aga, Aly!
"Ang tahimik mo." Sabi niya.
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko naman at inirapan siya.
Maya-maya, nagpaalam na si Aly na aalis na siya. So, eto na 'yon? Wala manlang siyang ibang sinabi? Like assurance na hindi kami maghihiwalay? Ang selfish man pakinggan pero ayokong magsama sila ni Sam. Kasi akin lang ang asawa ko! Diba ang galing ko, nagagawa ko pang magbiro kahit ganito na yung sitwasyon.