Den's POV
Days smoothly passed. Hindi ko nga na-imagine na Aly will join contests playing piano. Anyway, lately nag-aaway kami because Aly suddenly thought of shifting. From Biology to Music Production and Technology. Nag-aaway kami kasi sabi niya, pumasok lang naman daw sa isip niya and ayaw niya na magshift since patapos na yung 3rd year and next school year, fourth year na kami. Pinu-push ko siya mag shift kaya eto, ilang araw na kaming hindi nag-uusap.
Nagkikita kami sa classroom pero kasi, busy nga siya para sa school event. Tuwang-tuwa nga yung adviser nila sa Music Club dahil sasali na daw si Aly. Kwento yan ni Yeye. Siyempre, concerned parin naman ako kay Aly. Si Greek naman, ina-update ako kapag kasama niya si Aly.
"Oh, bakit ka nandito?" Tanong ko kay Aly.
Nandito lang ako sa kwarto, nakahiga sa kama dahil rest day naman. Siguro pinapasok siya ni Jus.
"I'm sorry." Umpisa niya at naupo sa tabi ko.
"So, napag isipan mo na?"
"Oo."
"Mag shift ka na?"
"Den, sabi ko naman sayo diba? Ayoko na mag shift. Bukod sa dagdag gastos, sayang yung oras."
"Eh diba yun naman talaga gusto mo, noong high school ka pa? Hindi mo lang nagawa because of Tito."
"Oo, noong high school. But Den, nagbago na yung isip ko. Nung una ayaw ko talaga sa Med Field, pero pinag isipan ko noon ng maigi, then I started to love this course."
"Talaga?"
"Oo, kasi kung hindi, dapat noon pa nag shift na ako. Hindi ko naman lolokohin sarili ko. Tsaka, I'm contented with playing piano for events nalang." He said.
"Kailan tayo magkikiss?" Tanong ko.
"Ha?"
"Narinig mo naman ako."
"Ah, ikaw? Ready ka na ba?"
"Bakit? Aly, kiss lang. Nag sex na nga tayo."
"Den! Lasing tayo parehas non sa bar."
"So, kailan nga?" Tanong ko.
He leaned in tapos he gave me a short peck.
"Yun lang?"
"Bakit? Ano ba gusto mo? Momol?" Natatawa niyang tanong.
"Oo, yun nga." Sagot ko naman.
Napakaraming arte neto, hinawakan ko ng mahigpit yung batok niya at hinalikan siya. Una ayaw pa mag respond pero nung nagrespond na siya, napangiti nalang ako. Nakaka inis. Akala mo high schooler kami eh.
-----
Nagising ako sa naririnig kong kumikilos dito sa kwarto ko. Nagpanic pa nga ako kasi baka sila Mommy 'to."Aalis ka na?" Tanong ko at bumangon.
Nagtakip naman ako ng kumot sa katawan ko. Buti nalang si Aly pala yung kumikilos. Nagbibihis kasi siya.
"Oo. Baka magalit parents mo."
"Baliw. Dito ka na matulog."
"Next time na. Puntahan ko pa si Maddie." Sabi niya at naupo dito sa kama.
Nagsmack lang siya sa lips ko. Tinignan ko naman siya.
"Why do you look so good?"
"Baliw? Next time na yung round 2."
"Siraulo ka talaga, strawberry condom." Sabi ko.
Tumawa naman siya bago magpaalam na aalis na. Hindi na siya nagpahatid sa baba dahil pamilyar naman na siya dito sa bahay. Alam niya na kapag wala pa sila mommy sa ibaba, ila-lock niya yung gate bago siya umalis.
Ah, yes. Nag round 1 na kami. Char. Pero totoo. Una momol lang eh. Nagulat nalang ako nagkaka tanggalan na kami ng damit and yes, strawberry condom yung ginamit niya. Prepared siya. Ewan ko ba don. Pero yun nga? Ano ba dapat kong ikwento? Bukod sa masakit pala kasi matagal-tagal na rin pala mula nung huli. Ang awkward naman yata?