Den's POV
Everyday, sinusuyo ako ni Aly. Ako lang talaga yung tinitiis siya dahil kay Sam. Lalo na nung isang araw, nakita ko yung ig post ni Sam na magkasama sila sa restaurant. Nakaka inis! Binanggit naman ni Aly sakin na nagkita nga sila to grab lunch. Speaking of Sam, ngayon yung schedule niya na check up.
Chinecheck ko na yung results niya and healthy naman yung baby niya, parehas silang healthy. 10 weeks pregnant na siya.
"Hello." Bati ni Sam na kapapasok lang ng clinic.
Nag smile naman ako sakanya, naupo siya at pinagmasdan lang ako.
"Based sa Ultrasound mo, okay naman yung baby. Wala namang na-detect na problems. So, need lang ng regular check up and yung vitamins." Sabi ko.
In-ultrasound kasi siya kanina nung nurse tapos ibinigay sakin yung result bago siya pumasok dito.
"Uhm. Den."
"Ah, yes?"
"I'm sorry." Sabi niya.
Sorry because of what? Dahil ba sa ginawa niyo ni Aly? Gusto ko sana itanong.
"Sorry sa nangyari noon, sa mga ginawa ko. After noong incident na lasing si Aly, pinuntahan ako ni Aly after a few days. Both of you made me realize na ikaw ang kailangan ni Aly, na tapos na yung chance ko with Aly. Pero believe me, after that wala na kaming communication ni Aly kasi he asked me to stop bothering you. He even told me na luluhod siya if yun ang magpapatigil sa akin, he was so desperate that time. Sabi niya you two are expecting a child and ayaw niyang ma-stress ka. You're very lucky to have him."
Aly did what noon?
"Uhm. I forgot to tell Aly na samahan ka dito sa check-up."
"Bakit sasabihan mo si Aly?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Oh, I see. Kahapon nagkita kami, sabi niya na misunderstood mo daw siya. I wanna make things clear, Den. Hindi si Aly ang tatay nitong baby ko. Hell no. Hindi ko gagawin yon, siguro noon oo, pero ngayon? No. I'm getting married Den, kay Scott, my boyfriend. Siya yung tatay nito." She smiled then she showed me her engagement ring.
Oh my god! Oh, narinig mo na mismo kay Sam. Okay na? Yes. I suddenly felt guilty.
"Bakit ako yung gusto mong maging Doctor?"
"Kasi, I know na you will take good care of us. Kahit na may issue tayo noon, I know di mo kami pababayaan, tsaka nasa Top 5 ka ng best Ob-Gyne dito sa Pinas. Bakit di ako lalapit sayo lalo na't kilala ko naman yung boyfriend mo." Paliwanag niya.
"I see."
"Tsaka, wala na akong contact number ni Aly noon, si Greek ang kinukit ko ng kinulit para lang maka usap ko si Aly and mapa sched ako sa'yo. Sorry talaga if na misunderstood mo, hindi ko rin kasi alam kung paano sinabi sa'yo ni Aly. I'm really sorry." Sabi niya.
"I—I don't know what to say, pero thank you for making things clear." I said.
"Anyway, next time I'll bring Scott here para ma-meet mo siya." She smiled at me.
I also gave her my genuine smile. Grabe, ang tanga tanga ko. Oo na!
"I'll get going na." Paalam niya at tumayo na.
"I'll see you sa next appointment mo." Sabi ko naman.
Lumabas na ng clinic si Sam at naiwan akong mag isa dito sa loob. Napa facepalm nalang ako dahil sa nangyari. Bakit di ako nakinig kay Aly? Bakit di ako nagtiwala?
"Knock knock." Napatingin naman ako sa nagbukas ng pinto.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm sorry..." Mahina kong sabi.
Hinigpitan niya rin yung yakap niya sa akin at hinaplos yung buhok ko.
"It's okay. Hindi ko rin naman kasi inexplain sayo nung unang beses na sinabi ko. I'm so sorry, Den." Sabi niya.
"No, dapat tinanong kita ng maayos, hindi yung nag assume agad ako. Tsaka dapat naniwala ako sayo noong sinabi mo sakin yung totoo."
"It's okay na. At least ngayon, bati na ulit tayo." He placed a peck on my lips.
Naupo kami sa sofa, nakayakap parin ako sakanya.
"Kinwento ni Sam sa akin."
"Ang alin?"
"Yung ginawa mo noon para sa amin ni Aki..."
"Are you mad? Kasi 'di ko sinabi sa'yo na nakipag kita ako sakanya?"
"No, I'm thankful and sorry at the same time. Thankful ako kasi ginawa mo 'yon, willing kang gawin kahit ano para sa amin. Sorry kasi napaka sensitive ko noon at di kita gaanong naisip." I said.
"Ano ka ba? It's okay. Ang gusto ko kasi noon, mag focus ka kay Aki, sa health ninyong dalawa."
"And I love you for that."
"I love you too, Den."
"Naisip ko.."
"Hmm?"
"Maybe we can try again?"
"Alin?"
"Have a baby?"
"Seryoso ka?"
"Yeah. Alam kong ang tagal na mula nung kay Aki, and now I want us to try again? What do you say?"
"You'll stop taking birth control? Are you sure about this?"
"Yes."
"Okay, let's try again." He said and smiled at me.
Nag aya na mag lunch si Aly dahil may surgery pa siya. Ako naman, standby lang dahil may patient na ako na manganganak, minomonitor nalang namin.