22

948 20 0
                                    

Den's POV

Weekend date namin ngayon ni Aly. Nagdecide kami magpunta sa arcade.

"Ang daya mo naman!" Sabi ko.

Tinawanan niya lang ako. Pano kasi, kanina niya pa ako tinatalo sa Tekken. Lahat na yata ng character nagamit ko na pero di parin ako nananalo. Naiinis nga ako kasi, minsan dinadaya niya ako, pag mananalo na ako, tatabigin niya yung kamay ko.

"Ha? Admit it. Talo ka."

"Anong talo? Ang daya mo!"

"Nakaka ilang laro na tayo oh, di ka manlang manalo."

"Madaya ka kasi." Sabi ko.

Tumawa lang siya. Sa ganito ka ba sasaya? Sa pandadaya sakin? Sa pampipikon? Kasi kung ganon, sige na nga! Simp!

"Aly?" Tawag sakanya ng isang babae.

Napalingon naman kami parehas. Sam. Heh! Buti nga! Di siya pinansin ni Aly. Hinawakan naman ni Aly yung kamay ko. Wow, first time yata 'to? Tumayo na siya at dinala ako doon sa claw machine. Tinitignan namin ni Aly yung prizes, pag panget yung prizes, lilipat kami. Alam kong nakasunod parin samin si Sam. Sige, sunod ka lang.

"Ayun Ly oh! Yung iPad." Turo ko don sa may prize sa claw machine.

"iPad talaga?"

"Try lang naman eh! Malay mo swerte ako."

"Bakit ikaw ba kukuha?"

"Hindi. Lucky charm mo 'ko, di ba?" Sabi ko at nagpa cute pa sakanya.

"Stop it. Di nakakatuwa." Sabi niya at tinawanan ako.

Naghulog na siya ng token tapos non tinry niyang makuha yung iPad kaso di nakuha. Almost lang.

"Ly, do you want to have dinner?" Tanong ulit ni Sam.

I heard Aly sigh tapos humarap kay Sam.

"I'm currently on a date with my girlfriend, Sam. I don't want to have dinner with you." Sabi ni Aly.

Buti naman at nagpapigil na si Sam at umalis na.

"Girlfriend..."

"Oo."

"Kailan pa?"

"We're exclusively dating, diba?"

"Oo."

"Oh, edi after ng ilang dates, courtship na." Sabi niya naman.

Tinignan ko lang siya. Seryoso talaga siya ha? Di ka ba seryoso? Seryoso rin, ano bang tanong yan?

"Oh, muntik na!" Sabi niya at binigay sa akin yung stuffed toy.

"Sabi ko iPad eh."

"Bakit di nalang tayo bumili?"

"Joke lang. Pero thank you dito ha, papangalanan ko siya Alyx." Sabi ko.

"Bakit naman?"

"Kasi ang daddy niya ay si Aly." I said.

Hahahahaha! Makulit ka ha! Namula tuloy tenga niya.

With YouWhere stories live. Discover now