24

977 17 3
                                    

Den's POV

Nasa cr ako ngayon, naghuhugas ng kamay dahil kinagat ba naman nila Ella at Yeye yung kamay ko. Ang baboy talaga nung dalawa na yon, nakaka inis.

Bumukas yung pinto ng cubicle at nakita ko sa salamin si Sam. Anong ginagawa nito sa Health Sciences Building eh sa Business Administration Building 'to dapat. Baka sira CR don? Ang layo naman ng trip niyang gamitin na cr, eh kabilang building lang yung IT Building tsaka Engineering Building? Talaga dito sa Health Sciences? Eh nasa pinaka dulo na nga kami? Sumasakit ulo ko kakaisip eh! Nagpatuyo na ako ng kamay. Buti nalang di na amoy laway nung dalawang may rabies yung kamay ko. Nakaka inis pa naman amoy kanina, kumain ba naman ng shawarma na maraming sibuyas? Ikikiss pa dapat ako ni Ella sa pisngi ko eh, kaso sinupalpal ko yung bibig. Di ko talaga maintindihan trip nila sa buhay.

"Den." Tawag niya.

Napahinto naman ako at nilingon ko siya.

"Leave him alone." Sabi ni Sam.

Wow, the audacity?! Anong trip nito?

"Pinagsasabi mo?" I asked.

Sumandal naman siya sa sink habang naka cross arms sa chest niya.

"Iwan mo si Aly. Ano bang gusto mo kay Aly?"

"Naririnig mo ba sarili mo, Sam?"

"Dennise, kilala kita. Kilala ka sa buong campus. You dated almost every guy here."

"Di ko alam if matatawa ako sayo or ano, Sam. Kilala mo lang ako sa kwento-kwento. Tsaka, ano naman sayo kung I dated almost every guy here in our campus? Ikaw ba si Aly? Si Aly nga, walang issue tungkol sa past relationships ko."

"So, anong nagustuhan mo kay Aly?"

"Talagang ako tatanungin mo? Ikaw? Ano bang nagustuhan mo noon kay Aly? Alam ko namang mas nauna mong nakilala si Aly kaysa sa akin kaya alam kong kilalang -kilala mo si Aly."

"Ano, challenging ba kasi never nagpakita sayo ng interest si Aly di gaya nung mga nade-date mo noon?"

"Sam? Honestly? Oo nung una, na challenge ako kay Aly, kasi sino ba naman siya diba? Ang kapal ng mukha, never manlang ako pinansin, lagi pa akong ini-snob? Pero nung tumagal, nung nakita ko kung bakit ganon siya? Na-attract ako sakanya. Nasabi ko sa sarili ko na 'ay, hindi pala mahirap magsettle kay Aly. Why are you doing this?"

"Leave him alone, Den. I care for him."

"You care for him and I don't? Sam, listen to me! Tigilan mo na kami, tigilan mo na si Aly. You had your chance pero sinayang mo, so now, back off and hayaan mo kami. If you truly care for him, leave him alone! H'wag ka ng dumagdag sa mga taong nagpapahirap kay Aly!" Iritang sabi ko at nauna na lumabas ng cr.

Nakasalubong ko naman si Aly. Naka kunot yung noo niya.

"Oh, bakit?" Tanong ko.

"Ang tagal mo kasi."

"Sorry na. Ang baho kasi ng laway nila Ella." Sabi ko naman.

"Kala ko nga na-flush ka na eh. Tapos sabi pa nila, may nag-aaway daw sa cr ng girls."

With YouWhere stories live. Discover now