Den's POV
I was hanging out with my friends at the cafeteria earlier when I decided to go for a walk. I suddenly heard a familiar sound. It's Claire de Lune. I walked silently towards the room where the sound is coming from. Luckily, the windows are open so I can take a peek.
"Aly.." I whispered to myself.
I've known Aly since Grade School up until ngayong College. Hindi kami close. I mean, I always try to befriend him pero napaka hirap niyang kaibiganin. Pag kinakausap ko siya, di niya ko sinasagot. Mula GS ganon na siya. Sure he has a friend pero magkaibang course sila and Aly took Biology because he said he wants to be a Doctor. Yun yung sabi niya sa prof namin ah. Hindi siya nakikipag usap sa ibang tao.
I hurriedly ran away nung nakita ko siyang tumayo. Ayokong mahuli niya akong pinapanood siya. I don't know kung bakit, pero nakakatakot kasi yung aura niya.
"Hey! Saan ka naman nanggaling?" Tanong sa akin ni Ella nang mabangga ko siya.
Tinulungan naman ako ni Yeye tumayo dahil natumba nga ako. Pinagpagan ko naman yung sarili ko.
"Naglibot libot lang ako." Sagot ko.
Naglakad na kaming tatlo. Si Ella at Yeye ang naging una kong kaibigan dito sa Uni. Kasama ni Yeye sa Music Club si Aly.
"Hey. Ly! What's up! Going home?" Yeye greeted Aly.
Nakasalubong namin si Aly habang bitbit niya yung shoulder bag niya. Tumango lang siya kay Yeye at naglakad na ulit palayo. May last subject pa kami ni Ella and si Yeye, makiki sit in.
"You know, that friend of yours is really weird." I blurted out.
"Hindi ba pwedeng mysterious lang?" Hirit ni Ella.
I rolled my eyes as I sat down on my chair. Our professor arrived 15 minutes later only to announce that the class is dismissed.
"So, saan niyo gustong pumunta?" Tanong ni Yeye habang inaayos yung mga gamit niya.
"Anywhere. I still can't go home right now." Sagot ko.
"And why?" Tanong naman ni Ella.
"Seriously? Alam niyo naman. Jus texted me. Nag aaway pa raw sila Mom and Dad and pag umuwi ako, panigurado, ako na naman pag iinitan." Sabi ko sakanila.
"Oh, yeah. Sorry nakalimutan. Let's go sa cafe ni Fille?" Aya ni Ella.
Pumayag naman kami. Si Yeye ang nagdrive. Siya lang kasi ang may kotse sa amin. Sabay sabay kaming tatlo pumasok, hatid sundo niya nga kami eh. Hindi naman hassle sakanya yon kahit MWF lang klase niya, kasi everyday siya pumapasok dahil sa Music Club.
Nang makarating sa cafe, nakita namin si Fille. Matanda sa amin si Fille ng 2 years, 4th year college na siya and may boyfriend siya. So, back off, guys.
"Hey! Ano namang sadya niyo rito?" Tanong ni Fille.