14

965 18 0
                                    

Den's POV

My parents are still arguing, nakakahiya because I invited Aly for dinner and ngayon, nagbabangayan sila sa harap namin. Si Jus, nagpatuloy lang sa pagkain.

"I think I should go." Bulong sa akin ni Aly.

"No, finish your food." Sagot ko naman.

"They're fighting."

"Let's go sa garden." Pag aaya ko sakanya.

Nagpa ready ako ng coffee para sa aming tatlo ni Jus. Yes, sumama rin sa amin si Jus at iniwan yung parents namin.

"Sorry if na-witness mo yung away nila. Pero to tell you honestly, hindi sila nakaka survive ng isang araw na hindi nag-aaway. Vitamins yata nila yon." Sabi ni Jus.

Ininom naman ni Aly yung coffee niya and I can see na napaitan siya don. I chuckled. Baka hindi siya umiinom ng kape, bakit kasi di ako nagtanong.

"Sorry." I whispered kay Aly.

"Okay lang. Ganon din yung parents ko when I was a kid pero they decided to end things agad." He said.

"I see. Pero sorry rin, about sa coffee. Mukhang hindi ka umiinom niyan." I said.

"It's okay. At least, I tried drinking coffee." He said.

I smiled at him. Tinignan ko si Jus, pinagmamasdan niya lang si Aly. Ewan, pero ako lang naman yata yung kinakausap ni Aly. Though, kinakausap niya kanina si Jus pero Yes or No lang sinasagot niya. Naalala ko tuloy yung first time na pag uusap namin. Grabe no, umabot na kami sa ganito.

Anyway, kaya ko pala ininvite dito si Aly para ma-meet ng parents ko kasi etong madaldal na si Ella, kinwento ba naman na I have a new friend. Siyempre, my parents are eager to meet him at i-judge siya. As always. Grabe rin kaya inabot ni Yeye dito sa bahay noon. Ang dami nilang itinanong. Kulang nalang yata pati color ng brief ni Yeye that time, itanong nila. Well, after naman nung nakilala nila si Yeye, naging okay naman, pinapayagan nila akong mag gala as long as si Yeye at Ella yung kasama ko.

"So, Aly, right? I'll call you Kuya Aly. I only want you to know na pangalawa ka ng lalaki na inintroduce dito ni Ate sa bahay. I don't know kung anong meron kayo ni Ate, but I want to tell you na please, don't hurt her." Sabi ni Jus.

"I--uh..."

"Jus. Friends kami ni Aly, just like Yeye." Sabi ko naman kay Jus, pero di niya ako pinansin at nakatingin parin siya kay Aly.

"I won't hurt her." Sagot ni Aly.

"I see. Sana di ka lang puro salita." Sabi ni Jus at tinignan ako.

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nginitian niya lang ako. Jus never introduced someone dito sa bahay. Lagi niyang sinasabi, hindi siya interested sa mga relationship na yan. Pero I know, one day, makakaganti rin ako sakanya.

"Sige na, iwan ko na kayo dito. Magrereview pa ako. Goodnight Ate Den and Kuya Aly." Paalam ni Jus at naglakad na papasok ng bahay.

Naupo ako sa tabi ni Aly.

"Pasensya ka na kay Jus ha." I said.

"It's okay. Naiintindihan ko naman siya, if may ipakilala rin sa bahay si Maddie, of course magiging ganon din ako. Anyway, sino yung isa?" Sagot niya.

Napangiti ako kay Aly.

"Si Yeye."

"So, boyfriend mo siya?"

"Ha? Hindi no." Natatawang sabi ko.

"Why?"

"Wala lang." Sagot ko naman.

I mean, okay naman si Yeye. Pero hindi ko siya nakikita as someone na jojowain. Don't get mo wrong ha, gwapo siya. Pero hindi talaga si Yeye yung tipo ng tao na jojowain ko.

"I need to go?" Tanong ni Aly.

Natawa naman ako sakanya. Bakit tinatanong pa niya ako?

"Silly. Tara, ihahatid na kita sa labas." I said.

Naglakad kami papasok ng bahay, nakita pa namin yung parents ko pero mukhang di naman nila kami napansin dahil parehas na silang busy sa laptop nila. Ewan ko ba? Away tapos tutok sa laptop.

"Did I make you feel uncomfortable?" Tanong ko kay Aly nang makalabas kami ng gate.

"Ha? No."

"Thank you, Ly."

"For?"

"For saying yes to my invitation. I know hindi ka mahilig makipag socialize but you still did and I thank you for that." I said while smiling at him.

"Can I ask for a hug?" He asked.

I chuckled then went near him. Niyakap ko siya. Mas matangkad sa akin si Aly kaya nakasubsob lang ako sa chest niya. Ang bango talaga.

"Thank you." He whispered.

"You know, Ly. If ever something's bothering you right now, everything will be fine. Always remember that, okay?" I said.

"I will." He said.

I'm wondering, kailan kaya ako yayakapin din ni Aly? Ako lang laging yumayakap sakanya eh. Never siyang yumakap pabalik. Pero ewan? Siguro hindi pa siya ready. Sabi ko rin naman, at his own pace. I think okay rin naman 'to knowing Aly's personality? Swerte ko nga na nayayakap ko siya eh. I also think dapat i-admit ko na may crush na nga ako sakanya. High school lang no? But yeah. Crush.

"I gotta go."

"Ah, yeah. Take care." I said at humiwalay na sakanya.

Inantay ko siyang sumakay sa kotse niya at nagdrive na paalis bago ako pumasok ulit sa bahay.

With YouWhere stories live. Discover now