Aly's POV
Pumunta ako sa bahay ng Mom ko because of Maddie, visit lang. My Mom and I are still not in good terms. Kahit naman si Maddie eh, di sila gaano nag-uusap.
Pagkapasok sa bahay, I saw her, sitting sa living room. I tried to ignore her.
"Oh, you're here." Sabi niya.
Still, wala parin akong sagot. Kasi, pag nagsalita ako, baka mamaya masamain pa ni Mom.
"Balita ko may girlfriend ka?" I know, she's trying to strike a conversation.
I still remember, when I was a kid, everytime na magsasalita ko, lagi akong nakaka receive ng slap galing sakanya, so I can say na mula pagkabata palang, sanay na ako sa sampalan, sana nga nag artista nalang ako tapos tatanggapin ko lahat ng scene na may sampalan.
"I'm asking you, Aly." She said.
"Yes." Sagot ko naman.
"Poor thing."
"What did you say?" Sabi na eh! Wala na namang magandang result tong usap na 'to.
"Poor thing. You guys will end up like us. That girl will end up like me." She said.
"What makes you think na magiging katulad niyo kami? I will make sure na we won't end up like you, guys." I snapped at her, my patience is running thin.
Grabe, pare-parehas sila, alam nila how to provoke me, how to make me angry. Nagpunta ako sa garden. I'm getting mad and wala akong magawa. Tinignan ko yung phone lock screen ko.
"We won't end up like them. I will make sure of that." I said to myself habang nakatingin sa phone ko.
Yung lock screen ko is picture namin ni Den, naka kiss siya sa cheeks ko habang ako naman nakapoker face lang tas nakatingin sa camera. If you get mad, upset or sad, and I'm not around just look at our photo and don't do something that will make me sad, Aly. Don't leave me alone, deal? Yan yung sinabi ni Den sa akin.
"Oh, kuya? Ang init-init dito." Maddie said.
"Okay lang. Kaysa naman sa loob."
"Ah, si Mommy ba? May sinabi na naman siya?" Sabi ni Maddie.
Ikinwento ko sakanya yung nangyari. Napakunot naman yung noo niya.
"Really? Grabe naman siya? I mean, oo grabe sila noon pa. Pero, bakit ganon agad? Dapat di nalang siya nag comment. Gusto mo kausapin ko si Mommy?"
"Maddie, alam mo naman diba? Hindi siya makikinig sa atin."
"Bakit kasi sa ganitong pamilya pa tayo binigay? Kung pwede lang mamili."
"Pag binigyan ka ba ng choice na mamili, kasama parin ako sa pipiliin mo?"
"Oo naman! Siyempre, tayong dalawa lang magkakampi diba?"
"Yeah."
"Pero, alam mo kuya. Okay rin na naging girlfriend mo si Ate Den. Kasi tignan mo oh, nag i-improve ka na. Mukhang may social skills ka na."
"Ha?"
"Kasi, diba dati ganyan ka lang, di ka gaano nagsasalita, tapos ngayon medyo humahaba na sinasabi mo."
"Ganon ba? Good ba yon or bad?"
"Good yon, Kuya!"
"Sabi mo eh. Tara coldstone?"
"Sige na nga. Baka magtampo ka eh." Sabi niya at tumawa.
I smiled at her. Mula pagkabata, close na kami. Gustong-gudto siyang kunin ni Dad kay Mom kasi nga magaling si Maddie when it comes to business. Ako? Ang pinaka interest ko talaga is piano. Mula pagkabata, alam kong gusto ko lang tumugtog ng piano. Tapos noong 4th year, ang gusto kong applyan na course is Music. Pero dahil nga sa business namin, wala akong choice kung hindi mag doctor. Si Maddie? Business Ad.