33

1.9K 32 1
                                    

Den's POV

After months of trying and consistent na check up, we succeeded! Yes! Nagka baby na ulit kami ni Aly. The first 3 months of pregnancy was rough, need kong magpahinga and mag file ng leave. Binibisita ako nila Ella and Yeye sa bahay kapag nabobored ako, si Aly naman di na siya nag i-schedule ng surgery na umaabot ng 12 am. Depende nalang pag emergency. Reason niya? Para daw maka uwi siya sa akin at maasikaso ako.

About kay Sam, nanganak muna siya bago ako makapag file ng leave ko kaya ayon. Swerte niya. Just kidding. Pero, baby girl yung anak niya.

Going back, 5 years old na si Kaile. Baby namin ni Aly. Girl siya and we chose to name her Kyle, wala ang cute lang. Anyway, nasa labas silang dalawa dahil napagalitan ko si Kyle.

--**--
Aly's POV

Dinala ko si Kyle sa ice cream parlor malapit dito sa bahay. Lagi kaming nagpupunta dito ni Eros kapag dinadala siya ni Maddie sa bahay.

"Are you still upset?" Tanong ko.

"Mommy's mad again."

"Kasi?"

"Kasi I did something wrong."

"Hmm. Ganon lang talaga si Mommy, ayaw ka lang niya makagawa ng mali then makakasanayan mo tapos hanggang sa maging matanda ka na, yun na yung gagawin mo ng paulit-ulit."

"Hmm..."

"She loves you very much, Kaile." I assured her.

Hindi naman pasaway si Kaile, napapagalitan lang lagi ni Denden dahil sobrang likot nga niya at gusto magpabili ng kung ano-anong makikita sa mall. Sabi ko naman kay Den, bilhin kung anong gusto ni Kaile kasi pag lumaki naman na 'to, di na magpapabili 'tong baby namin. Pero sabi ni Den, mai-spoiled daw kasi. Hindi nalang ako sumasagot kasi may naiintindihan ko rin siya. Tsaka mommy siya ni Kaile, kaya alam niya kung ano yung tama para kay Kaile.

Pinagalitan siya ni Denden kanina kasi nabasag niya yung antic vase ng lolo niya. Hindi naman nagalit si Dad, chineck pa nga niya kung nasugatan ba si Kaile, kung okay lang siya? Pero si Denden, nagalit kasi nga ang likot, sinabi na daw na 'wag tatakbo. Hindi niya naman pinalo or what.

"Are you mad at me too, Daddy?"

"Ha? Of course not. Di ba nga, kampi tayo? Tayo ni Mommy. Team tayong tatlo and ang leader natin ay si Mommy, kaya dapat, lagi tayong makikinig kay Mommy." I said.

Tahimik lang siyang kumakain ng ice cream, pinicture-an ko naman siya at sinend kay Denden.

"I'm sorry."

"It's okay baby, 'wag mo nalang ulitin and laging makinig kay Mommy."

"Yes, Daddy."

"Okay, say sorry kay Mommy pag uwi natin mamaya."

After namin mag ice cream, dinala ko muna siya sa park para naman makapaglaro siya sa labas. Pinapanood ko lang siyang tumakbo at makipag laro sa ibang bata.

----
Pagka uwi namin sa bahay, sumalubong agad sa amin si Denden. Kinarga niya si Kaile at niyakap siya ng mahigpit. I smiled while watching them.

Hindi kami nagpakasal ni Denden dahil hindi naman namin napag uusapan. Si Kaile, last name ko yung gamit niya. Masyadong matrabaho yung pag process ng papers niya noon pero naayos rin naman and contented naman na ako sa kung anong meron kami ni Den.

--**--
Den's POV

Dinala ko sa kitchen si Kaile at pinainom ng tubig, baka kasi mamaya nakalimutan na naman ni Aly dahil hindi niya matiis 'tong anak namin pag sinabing ayaw uminom ng tubig.

"Den, punta na muna akong hospital, may emergency." Paalam ni Aly.

"Okay, take care. Kaile, kiss your Daddy na." Sabi ko.

Nilapitan naman ni Aly si Kaile at hinalikan sa pisngi.

"I'll see you later. Sleep early, okay?" Bilin ni Aly.

"Opo. Take care, Daddy." Kaile said while waving her hands.

Nagkiss sa lips ko si Aly bago siya lumabas ng bahay. Naiwan kaming dalawa ni Kaile dito. Tinignan ko siya, tumingin rin siya sa akin.

"How's your date with Daddy?" I asked.

"We ate ice cream. Mommy, I'm sorry." Sabi niya at yumakap sa akin, niyakap ko naman siya ng mahigpit.

Sabi ni Aly, gusto niya siya yung first date ni Kaile tapos siya rin daw yung first na magbibigay sakanya ng flowers. Ewan ko na dito kay Aly.

"It's okay. Listen to me. Okay? I love you, Kaile."

"I love you too, Mommy!" Masayang sabi niya.

Kaile and I decided to watch movies, Frozen. Grabe, ilang beses na naming napapanood 'to but still, hindi siya nagsasawa.

Looking at our daughter Kaile, there are a lot of things that I am thankful for. Lalo na when I approached Aly. I never thought na yung pagiging matiyaga ko sakanya will bring us here. Aly made me realize that there will be someone that will make you change your perspective in life. That it's okay not to do the things that you dislike. That there's someone who will respect you and values the word consent. In this world full of changes and uncertainties, you are my constant, Aly.

Anyway, I guess the story will end here and it's time to say goodbye to you, readers!

With YouWhere stories live. Discover now