PAUNANG SALITA

2.6K 82 45
                                    

A/N: We're back! This is entirely different from my previous stories as we will go way back in time. We are no longer in Malacañang but instead, they're taking us to year 1945! The last year of World War II. A lot of tweaks on the characterization of our favorite couple

Mama Meldy will only be 8 years younger than Papa Macoy instead of the 13-year age gap. She will then be 20y/o in year 1945 and she will only have one sibling here instead of 5. Papa Macoy is still  28y/o in this year

Also, please take note of the dialogue. I only used tagalog words even for Japanese characters speaking but, if you noticed "-- xxx --", that means Japanese speaking in their native language. I don't trust google translate so, instead of putting Japanese dialogue then adding subtitle, I just decided to used, "--xxx--"

FAIR WARNING: This story is a work of fiction. A lot of scenes will not be suitable for some readers as it will include sex, killings, violence, torture, rape, etc.

Everyone, fasten your seatbelts and enjoy the ride!

TAONG 1945

Mabilis na tumatakbo si Ferdinand sa loob ng kagubatan. Hindi niya alam kung saan na sya napadpad pero patuloy pa din ito sa pagtakas sa mga humahabol sa kanyang mga hapon. Nanghihina na siya dahil mahigit isang oras na ata siyang tumatakbo, subalit hindi siya maaaring tumigil kung hindi ay maabutan nila siya

'Sana nailayo ko na sila sa inyo'

Hinihingal na sabi ni Ferdinand. Ipinain niya ang sarili upang makatakas ang kanyang mga kasamahan at makarating sila sa Bataan

--Ayun! Habulin nyo!--

Mas lalo pang binilisan ni Ferdinand ang pagtakbo

'Lintik! Naabutan na ko ng mga demonyo'

Napatigil si Ferdinand ng muntikan na siyang mahulog sa bangin. Dead end na!

'Ito na ang katapusan ko...'

Napalingon ito ng mapalibutan siya ng mga hapon

--Patay ka ngayon--

--Pahirap ka!—

--Papatayin ka muna namin at saka namin isusunod ang mga kasamahan mo!--

'Sayanora'

Nakangiting sabi ng isang hapon, bago tinamaan ng bala si Ferdinand at saka tuluyan ng nahulog sa bangin

Sabay sabay na sinilip ng mga ito kung saan na ang katawan ni Ferdinand subalit hindi na nila maaninag mula sa taas. Masyadong malalim ang pinagbagsakan nito at marami pang puno at sangay na nakaharang

--General, gusto niyo bang puntahan natin ito sa baba?—

Nag isip ng mabuti ang kanilang heneral

--Sa lagay na to, paniguradong patay na iyon—

--Hayaan na natin, mas kailangan natin matunton kung saan pumunta ang mga kasamahan niyan—

Isa isa ng nag alisan ang mga hapon at saka nagpatuloy sa pagtugis sa iba pang kasamahan ni Ferdinand

.

.

.

Hirap na hirap na gumagapang si Ferdinand patungo sa batis na kanyang natatanaw

'Malapit na...'

Kailangan niya makahanap ng agarang tulong. Wala ng tigil ang pagtagas ng dugo sa kanyang dibdib kung saan siya tinamaan ng bala. Hindi siya mamatay sa pagbaril sa kanya o sa pagkahulog niya sa bangin kung hindi sa pagkaubos ng dugo!

You Will Always Be My HeroWhere stories live. Discover now