'Imelda...'
Umiiyak na sabi ni Ferdinand habang mabilis na nito itong binuhat at nagmamadali itong lumakad para madala si Imelda sa pagamutan
'Ate...'
Iyak ni Alita habang nakasunod ito kina Ferdinand. Takot na takot si Alita para sa kanyang ate lalo't kitang kita niya ang bawat pagpatak ng mga dugo sa sahig mula sa mga hita ni Imelda
'Ferdinand-'
Nabigla si Jose ng bumungad sa kanya si Ferdinand na buhat buhat si Imelda
'Anong nangyar?!'
Hindi pinansin ni Ferdinand si Jose at nagpatuloy lang ito sa paglabas ng bahay
'ANDOY!'
'YUNG KALESA!'
Mabilis na tumakbo si Andoy kay Ferdinand at takot na takot itong nakatingin sa walang malay na si Imelda
'Ferdinand... sira yung gulon-'
'YUNG KABAYO KO KUNIN MO!'
'BILISAN MO!'
Mabilis na tumakbo si Andoy para kunin ang kabayo habang naiwan naman na umiiyak na nakatingin si Ferdinand kay Imelda habang buhat buhat niya ito
'Imelda...'
'Imelda... gumising ka...'
'ANDOY! NASAN NA!'
Mabilis na lumapit si Ferdinand sa kanyang kabayo ng dinala ito ni Andoy. Sa tulong ni Andoy at Jose ay maingat nilang naiangat si Imelda sa kabayo bago mabilis na sumakay din dito si Ferdinand
'Imelda...'
Iyak ni Ferdinand habang inaayos niya ang pagkakasandal sa kanya ni Imelda na hindi makakasama para dito at saka inayos niya din ang kanyang pagkakaupo
'HIYA!'
Malakas na sigaw ni Ferdinand ng sinimulang niyang patakbuhin ng napakabilis ang kabayo
'Imelda...'
'Imelda, gumising ka...'
'Parang awa mo na... gumising ka...'
Walang tigil ang pagluha ni Ferdinand habang mabilis nito na pinatatakbo ang kabayo
'Anak...'
'Wag mo naman kami iiwan ni nanay...'
'Gusto ka pa namin makita...'
Patuloy pa din ang pagiyak ni Ferdinand habang nakayakap ang isang kamay nito sa tiyan ni Imelda at ang isa naman ay pinapatakbo ang kabayo
Narating lamang ni Ferdinand ang pagamutan sa loob ng walong minuto na kadalasan ay tinatakbo niya ng kalahating oras
'Ferdinand!'
Gulat na sigaw ni Ramon ng makita niya ang biglang pagdating Ferdinand
'Anong nangyari?!'
Takot na tanong ni Ramon habang tinutulungan nitong makababa ng ligtas si Imelda
'Si doktora tawagin niyo...'
'Bilisan niyo!'
Nahawi ang daanan dahil lahat ay nagbigay daan sa kanila habang maingat na binubuhat ni Ferdinand si Imelda. Nagmamadali naglalakad papasok si Ferdinand sa loob ng pagamutan na tarantang taranta
'Imelda... malapit na tayo...'
Mabilis din niyang naipasok sa isang libreng kwarto at maingat niyang inihiga si Imelda sa kama habang naghihintay siya kay doktora

YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
Storie d'amoreSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...