KABANATA XXIV

1K 66 83
                                    

"I have love to the point of madness, which is called madness. Which for me is the only sensible way to love"

Please read end note

Let's all cry our heart's out 😭

Madiin na minamasahe ni Imelda ang ulo ni Ferdinand

'Imelda... kailan kaya pupunta dito si Jose?'

Malungkot na umiling si Imelda

'Hindi ko alam...'

Hindi napigilan ni Ferdinand at napayuko na ito habang pinipigilan ang maiyak

'Imelda... ilang araw ng wala si Ernesto...'

'Baka kung ano ano na ginawa ng mga hayop na yun sa kanya...'

Mahigpit na yumakap si Imelda sa likod ni Ferdinand at doon umiyak

'Ferdinand...'

Hindi na din maiwasan ni Imelda na mapaisip ng masama. Sa tagal ng araw na bihag ng mga hapon si Ernesto, sigurado sila na pinahihirapan si Ernesto ng husto ng mga iyon

'Imelda!'

Napatingin sina Imelda ng biglang pumasok si Josephine na humahagulgol habang nakasunod sa kanya sina Ramon at Luningning

'Josephine...'

'Tumayo ka diyan...'

Nakaluhod na si Josephine sa harap ni Imelda

'Imelda... nasaan na si Jose...'

'Mababaliw na ako sa kaka isip kay Ernesto'

'Ferdinand...'

Puno ng luha ang mga mata ni Ferdinand ng humarap ito kay Josephine

'Ferdinand... puntahan niyo na siya...'

'Wag na natin hintayin si Jose...'

'Sasama ako'

'Sasama ako sa paghahanap kay Ernesto'

Napayuko na si Josephine sa sahig ng umiling sa kanya si Ferdinand

'Josephine... hindi pwede'

'Hindi natin alam kung nasaan siya...'

'Ipapahamak lang natin ang ating mga kasamahan'

Mahigpit na niyayakap ni Imelda si Josephine habang siya rin ay umiiyak

'Anong gagawin ko...'

'Gusto ko na siya makita...'

'Imelda, gusto na ulit makita si Ernesto'

Wala ng tigil ang iyak ng lahat. Alalang ala na sila kay Ernesto, gayun din kay Josephine

Ilang araw pa, at baka mawala na sa katinuan si Josephine

'Josephine... hintayin natin si Jose'

'Makakatulong siya sa atin'

Napaiyak pang lalo si Imelda ng malakas na humagulgol si Josephine

Nagpatuloy pa ang iyakan ng lima. Lahat sila ay walang magawa kung hindi ang maghintay sa pagdating ni Jose. Hindi inaalisan ng tingin nila Imelda si Josephine dahil ramdam nila ang sakit at takot na pinagdadaanan nito ngayon. Maaaring higit pa sa kanilang nararamdaman

'Kumain na kayo...'

Malungkot na aya ni Manang ng maghahapunan na

Bumalik si Manang sa kusina na mahinang umiiyak ng walang kumibo kina Ferdinand

You Will Always Be My HeroWhere stories live. Discover now